Kabanata 19

52 12 0
                                    

Second Time


"Talaga ba?" hindi ko makapaniwalang tanong.

Gulat pero hindi maalis ang magandang ngiti sa aking labi. Takot ako dahil sa maikli kong panaginip pero masaya ako dahil pupunta kami sa bahay dahil alam kong gagawin niya ito para pagaanin ang loob ko.

At least, I know he's thinking about me. He's trying to consider my feelings.

Inis niya akong nilingon. "Isa pang tanong hindi na ako tutuloy."

Itinikom ko ang bibig ko pero nakangiti pa rin. Nagpatuloy siya sa paglalakad at nagpaalam kami kay Kuya Berto. Saglit na sinuri ni Kuya Berto ang mukha ko. I got conscious at baka masyadong halata ang pamamaga ng mata ko. Hinarangan ko ang mukha ko ng aking buhok.

Bahagya akong nagtago sa likod ni Akiro at kahit nahihiya ay na-excite tuloy akong umuwi na. Tila lumulutang ako sa paglalakad habang kasabay siyang maglakad.

"Nasaan ang bike mo?" takang tanong ni Akiro.

"Hindi ko dala."

"Bakit hindi mo dala?"

"Kasi na-flat-an ako ng gulong kanina lang," simple kong sagot.

He narrowed his eyes at him, not buying what I said. "Talaga o palusot mo lang?"

"Totoo. Na-flat-an ako kanila lang. At pupunta tayo sa bahay kaya makikita mo na totoo ang sinasabi ko sa 'yo."

"So, tumakbo ka pupunta rito? Kaya ka ba sobrang pawisan?" hindi niya makapaniwalang tanong at simple naman akong tumango.

"You're insane, Emi," bulong niya na kinairap ko.

"Kaysa naman hindi ako pumunta rito," giit ko.

Sumakay si Akiro sa bike niya at akmang aalis na pero hinawakan ko ang likod ng bike niya.

"Aba! Iiwan mo ako?" hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya.

"Anong gusto mong gawin ko? Nakarating ka nga ng walang bike, kaya mo ring bumalik sa inyo." bakas ang iritasyon sa mukha niya sabay muling hila sa bike niya pero sumakay ako sa likod at mabilis na yumakap sa kanya.

Inalis niya ang kamay ko at bahagya pa nga itong tinapik.

Mas siniksik ko ang sarili ko sa likod niya. "Tara na!"

"Sa tingin mo makakaalis tayo ng ganyan ang kapit mo."

Wala akong pakialam kung mas lalo siyang naiinis. Sinubukan niyang alisin ang kamay ko.

"Uyyy! Talaga naman. Ang sarap maging bata."

Napahinto kami ni Akiro sa pagtatalo at nilingon si Kuya Berto na tila kinikilig habang pinapanood kami. Mabilis kong inalis ang tingin ko at tinapik ang braso ni Akiro. Binalinga niya ako.

Pinamuluhan ang kanyang pisngi at nilakihan ako ng mata. "A-alisin mo kasi ang kamay mo..."

"T-tara na lang kasi..." naiilang kong sabi dahil patuloy sa panunukso si Kuya Berto.

Umiling si Akiro at nagsimulang magbike. Umayos ako ng pagkakaupo sa likod at pinanood ang likod niya bago hinilig ang ulo ko sa likod ni Akiro at pinanood ang payapang paligid ng aming barangay.

Sumagi sa isip ko ang panaginip ko kanina. Hindi pa rin ako makapaniwala na nakaranas ako ng ganoon. Sobrang nakakatakot at nakakapanindig balahibo ang makitang ginawa ulit ni Akiro ang pagkuha sa buhay niya. Tipong nandoon na ako pero wala akong magawa... wala akong nabago.

My Thirty-one DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon