Sorry
"Okay na ako dito. Salamat sa pagdala sa akin," nakangiti kong pasasalamat kay Kiefer.
Nasa infirmary na kami ngayon. Kami lang ang tao dito pero parating na rin si Doctor. Sabi ng teacher na nakasalubong namin kanina ay lumabas lang daw ito kasi may kinausap. May mga harang na kurtina ang bawat higaan pero nakabukas itong sa amin kaya kung papasok man si Doc makikita kami kaagad dito. Tsaka parang hindi naman maganda kung makikita kami na nakasarado ang kurtina baka kung ano ang isipin ni Doc.
Kinuha ni Kiefer ang ice compress at binigay sa akin.
"Okay lang ba na gamitin ko 'to?" pagtutukoy ko sa ice compress.
Mabilis siyang tumango. "Para nawala ang bahagyang pamamaga. Madalas akong nagkakaroon ng sprain sa paa kapag nagba-basketball at iyan ang ginagamit namin para humupa ang pamamaga." Sinipat niya pa ang paa ko. "Mukhang hindi naman malala ang paa mo." Lumakad siya papalayo sa akin nang mas hawiin niya pa ang kurtina dahilan para tuluyan na makita ang buong higaan.
Nilagay ko na iyon sa paa ko at dahan-dahan na dinampi sa may parte na namumula at may pamamaga.
"Hindi ka pa ba aalis?" takang tanong ko.
Umiling siya at umayos ng pagkakasandal sa sofa, sa harap ko lang din.
"I'll wait here."
"Hindi na," tumingin ako sa wall clock bago muling bumalik ng tingin sa kanya at naabutan siyang nakapikit na ang mata. "May klase pa tayo. Makakaabot ka pa naman kung aalis ka na ngayon. Tsaka malamang nakarating na sa teacher natin na hinatid mo ako dito sa clinic kaya hindi ka naman mapapagalitan," pagpapatuloy ko kahit mukhang wala man lang kahit kaunting pagkainteres ang pinapakita niya sa sinasabi ko.
Nakapikit siya pero hindi naman niya ako malolokong nakatulog siya kaagad pagkaupo pa lang niya.
"Uyy!"
Pero nanatiling nakapikit pa rin ang mata niya, hindi ako pinapansin. Mukhang siyang pagod pero hindi ko alam kung dahil ba 'yon sa pagbuhat sa 'kin. Hindi rin naman kasi sobrang layo nung infirmary mula roon sa court.
"Sabi ko naman sa 'yo eh 'wag mo na akong buhatin kasi mabigat ako," sabi ko at inangat ang paa ko para sana mahilot ko kahit papaano pero bigla 'yong kumirot. Ngayon masasabi kong mukhang hindi simple 'yong pagkalaglag ko, mukhang na-sprain pa ata ang paa ko.
"Anyare?" nag-aalangang tanong ni Kiefer at natataranta ang mukha niya na gusto kong matawa pero sa dahil sa kirot hindi ko magawa.
"Nagising ang nagkukunwaring tulog," natatawa kong turan pero hindi niya pinansin ang pang-aasar ko.
"Sinubukan mo bang bumaba? Inapak mo ba ang paa mo? Saan 'yong masakit?" sunod-sunod niyang tanong na nagpaawang sa labi ko sa pagtataka.
"Hindi." umiling ako at sumandal sa gilid. "Inangat ko lang itong paa ko para sana mahilot at alamin kong saan 'yong masakit-"
"Hindi ka naman doctor para gawin 'yon. Paano kung mas lumalala ang mangyari sa paa mo. Sana tinawag mo ako para matulungan kita." he frustately sighed. "Sana hindi ko na binigay 'yong compress," halos bulong niya.
Nalusaw ang ngiti ko habang pinagmamasdan siyang pagalitan ako. Nakakapanibago itong nakikita ko kay Kiefer. I almost think that is he the Kiefer I knew? It's like he became different person that I used to know very well. O masyado lang talaga akong nasanay na kolokoy siya at makulit.
Marahan niyang pinahid sa paa ko ang ice compress. Concentrated siya sa ginagawa niya. Maingat at marahan niyang dinadampi iyon sa paa ko. Panay pa ang tanong kung masakit ba ang parte ng paa ko na kanyang dinadampian ng ice compress.
BINABASA MO ANG
My Thirty-one Days
Mystery / ThrillerEmilia Vernice Cantinar, a simple girl and she considered her life a normal life like everyone. But it changed when she suddenly felt guilty about the tragic death of her classmate, a guy named Akiro. She wanted to have a chance to turn back time an...