Kabanata 25

21 10 1
                                    

Courage

Regalo ni Tita Cecil ang motorsiklo para sa birthday ni Akiro. Pero...

"Bakit mo ibebenta?"

"Hindi pa naman ako sure. Pinag-iisipan ko pa. Hindi ko rin kasi alam ko kailangan ko ba nito," giit niya at hininto na ang motor.

"I think kailangan mo 'to kaya binigay sa 'yo 'to ni Tita Cecil."

"Para naman saan?" inalis niya ang kanyang helmet at ginulo ang buhok.

"Para makarating ka kung saan mo gustong pumunta. Hindi naman kaya lang 'yon ng mommy bike. Imagine kung gamit natin 'yong bike natin malamang hindi pa tayo nakarating dito," natatawa kong turan ngunit napahinto rin sa pagngiti nang tanggalin niya ang buckle ng helmet ko pero hindi naman niya ito hinubad sa aking ulo. Muli siyang humarap sa unahan namin.

"Sasama ka ba?"

Natitilan ako sa kanyang tanong pero nakabawi rin naman kaagad. "Oo naman. Basta isasama mo ako."

I heard him smirk. Tumikhim ako at umiwas ng tingin. Hindi naman nagsalita si Akiro.

Sa tingin ko dito na ang destinasyon namin. Luminga ako sa buong paligid na magubat. Medyo malayo na kami sa aming bayan. Ngayon lang ako nakapunta dito at ang paranoid kong utak ay gumana na naman.

Kung sakali man na may lumitaw na killer dito katulad nung sa mga horror movie, alam ko naman ang daan pauwi sa amin. Ngunit kahit natakot ako sa naisip ko mas natakot ako sa posibilidad na rason kung bakit ibebenta ni Akiro ang motor na regalo sa kanya.

"Kaya bakit mo pa pag-iisipan? Regalo 'to sa 'yo. Bakit ayaw mo ba?" kuryuso kong tanong at hindi pa rin bumababa sa motor niya, nasa loob pa rin ng bulsa ng jacket niya ang kamay ko.

Hinubad ni Akiro ang helmet niya at nilingon ako. "Gusto... basta," he said, sighing. "Baba ka na." pag-iiba niya ng usapan.

Dismayado akong bumaba at hinubad ang helmet sabay abot nito sa kanya. Saglit niya akong pinagmasdan bago abutin ang helmet ko. Nang kunin na ni Akiro ay tumalikod ako sa kanya. Inabala ko ang pagtingin sa paligid.

"Eh, bakit nga kung gusto mo naman pala? May ibang regalo ka pa ba na gustong matanggap?" I said, looking at him over my shoulder. Niyakap ko ang katawan ko nang umihip ang hangin.

"Natanggap ko na," he said, not looking at me.

Tuluyan ko siyang nilingon. "Ano? Itong bang motor? Akala ko ba may balak kang ibenta 'to?"

Tapos na siya sa pag-ayos ng motor niya at buong atensyon akong hinarap. "Sino," he corrected me. He licked his lower lip, attractively. "At sa tingin ko nakuha ko na."

May kakaibang kahulugan ang kanyang tingin. Naghintay ako ng kasunod na sasabihin niya. Nakuha? Sino naman? Did he mean someone else?

I was too stunned to speak. Makailang ulit akong nagkurap-kurap habang pino-process sa utak ko ang sinabi niya, hinihintay ko siyang magsalita pa o sabihin kung sino ang tinutukoy niya. Pero hindi ko rin naman alam kung anong gusto kong marinig mula kay Akiro.

Naririnig ko ang kuligkig sa paligid dahil sa katahimikan namin pero mas malakas ang tahip ng puso ko.

"S-sino?" turan ko at bahagyang ngumuso.

He smiled, chuckling.

Muli akong tumalikod dahil hindi ko na kayang itago pa ang kahihiyan at kilig.

Huwag kang mag-iisip ng kahit ano, Emilia.

Maybe he meant someone else but when I think about there's someone else, my heart is aching and I started to think about us. Kalokohan kasi dapat hindi ito ang nasa isip ko habang nasa kalagitnaan ng misyon pero paano kung may iba pala siyang gusto? Iyong picture ba nung kasama niya noong mga bata pa lang sila?

My Thirty-one DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon