Days
"Wala ka na namang dalang bike?" takang tanong ni Akiro sa akin.
I looked away as I felt the heat on my face. I tucked my hair behind my ears.
"W-wala... hindi ko dala," nahihiya kong turan.
Sinadya ko talaga na hindi dalhin ang bike ko para umangkas muli sa kanya. Naglakad ako papunta dito, hindi naman ako napagod kasi hindi naman ako nagmadali hindi katulad noong tumakbo ako dito. Normal na lakad lang habang iniisip kung ano pa ang maaari kong gawin para mapalapit kay Akiro kahit na medyo natatakot ako sa pagiging malapit naming dalawa.
Pasimpleng gumilid ang tingin ko sa kanya.
A hint of smile form on his lips. Tinalikuran niya ako at hinanda ang bike. "Ano pa bang gagawin mo? Angkas na," medyo maangas niyang sabi.
Napairap ako sa hangin at nakangusong lumapit sa kanya. Hindi naman siya nagreklamo nang kumapit ako sa kanyang bewang imbes na dito sa likod ng aking upuan. Marahil sanay na siya dahil ilang beses na rin naman akong nakaangkas sa kanya at ang sarap sa pakiramdam na ako pa lang ang babaeng nakaangas sa kanyang bike.
"Sa susunod, dalhin mo na. Halatang sinasadya mo, Emi." paalala niya.
"Pwede namang hindi na dalhin ah."
"Bakit?"
Sinilip ko siya. "Nandyan ka naman." natigilan siya sa sagot ko. "Bakit pa ako magdadala kung pwede naman tayong ganito? Mas convenient," dugtong ko pa.
Umiling si Akiro sabay pinitik ang noo ko.
"Aww..." napahawak ako sa noo ko bago umayos ng upo sa bike.
Hindi na siya sumagot at nagsimula nang i-pedal ang bike.
Nakangiti akong kumapit sa kanyang likod.
Nang makarating kami sa bahay kaagad siyang dumeresto sa piano. Kumpara nung una mas willing na siyang tumugtog. Siguro? Sa tingin ko dahil siya ang nagyaya at mukhang mas excited siya pero hindi niya ginalaw ang keyboard.
Ginamit ko ang pagkakataon na iyon para ilabas ang nasa isip ko.
"Pwede ba akong magtanong..." inaaral ko ang reaksyon ni Akiro habang nakatingin siya sa piano.
Tumitig siya sa akin saglit bago binalik sa piano ang paningin. "Pwede naman," matipid niyang sagot.
Hindi niya inalis ang tingin sa piano na tila may konting pagtatalo pa siya sa isipan kung hahawakan na ba niya ang keyboard o hindi.
"Bakit ka huminto sa pagtugtog?"
Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa aming dalawa.
Hindi ako nagbigay ng follow up question. Hinayaan ko siyang isipin ang magiging sagot sa tanong ko.
May nalaman kasi ako tungkol sa kanya. Talagang nagpi-piano siya since grade school pero nung second year siya sa high school ay bigla na lang siyang tumigil. Nasa article iyon ng isang Japanese school. Pinatranslate ko pa ang article na iyon para mabasa ko.
Kasali si Akiro sa isang competition, siya ang representative ng kanilang school. Ang mananalo doon ay magkakamit ng full scholarship. Kung sino man ang mananalo doon ay talaga namang magbabago ang buhay. Tulad ng sabi ko, kasali siya at umabot ng finals pero nasa nung si Akiro na ang tutugtog...
Hindi niya ginalaw ang keyboard, nakatulala lang siya.
May video akong nakita nun. Masasabi kong si Akiro iyon kahit na hindi kalinawan ang video. Hindi lang din iyon ang napanood ko, kahit ang mga past performances niya ay meron din. Magaling si Akiro at nakakapanindig ang balahibo sa kanyang galing sa pagpi-piano.
BINABASA MO ANG
My Thirty-one Days
Mystery / ThrillerEmilia Vernice Cantinar, a simple girl and she considered her life a normal life like everyone. But it changed when she suddenly felt guilty about the tragic death of her classmate, a guy named Akiro. She wanted to have a chance to turn back time an...