Kabanata 3

53 13 0
                                    

Mysterious Guy


Today is Sunday so I am free and I am planning to go somewhere. Hindi ko nga lang alam kung saan 'yong 'somewhere'. I don't even know kung nag-e-exist ba ang gano'ng lugar. Pero gusto kong gumala ngayong araw kaysa mabulok sa bahay. Gusto kong alisin kung anong man ang gumugulo sa isipan ko. Baka nga binibigyan ko lang ng iisipin ang aking sarili kahit hindi naman dapat.

May exam kami bukas pero wala akong ganang mag-review. Hindi ko man lang magawang buksan ang ilang notes ko. Hindi naman ako nagpapabaya sa pag-aaral ko pero bahala na bukas. Wala talaga ako sa mood ngayon. Kaya naman, kung may espirito ng kasipagan. Please lang ako'y iyong sapian. I badly needed you right now. Kahit anong titig ko sa mga notes ko walang napasok sa utak ko, nakakalimutan kong intindihin 'yong binabasa ko. Ni isang salita wala akong matandaan.

Sa pagmumuni-muni ko nakaisip ako kung saan pupunta. Kinuha ko kaagad ang mommy bike ko at pumunta na sa gusto kong pumuntahan. Wala man lang akong pag-aalinlangan na pumadyak hanggang sa makarating ako sa unang pumasok sa utak ko na dapat kong puntahan.

I went again to their house, Akiro's house. Wala naman talaga ito sa plano ko na ang bumalik ulit sa kanila pero pakiramdam ko kailangan kong pumunta. Pakiramdam ko dapat bumalik ako kahit hindi ko naman maipaliwanag kung bakit. Something was off last night and it bothers me in some way. It moved my sense. I know I got curious to her Mom at gusto kong samahan si Haru. I think he needs someone to be there for him. This is the least I can do.

Pero gusto ko ring malaman kung ano iyong narinig ko kagabi. It was voice coming from nowhere. From someone I couldn't see. Marahil gusto kong kumpirmahin o gusto kong patunayan kung totoo nga iyon. I'm not scared but it just really bother me. Kaya ko naman atang harapin kung totoo. At baka kapag nandoon ako matulungan ko si Haru sa maalis kahit papaano ang kalungkutan niya.

I guess...

Okay lang naman 'yon 'di ba?

At isa pa, hindi din mapanatag ang loob ko. Iyon nga ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog kakaisip kung anong meron sa pamilya ni Akiro. I know it wasn't my business to interfere pero hindi ko kayang pigilan ang sarili ko.

Tsaka huling araw na pala ng burol ngayon. Bukas na ililibing si Akiro. At ni isa sa amin ay hindi pa handang tanggapin ang totoo. Lalo na ang pamilyang maiiwan ni Akiro.

I found Haru in the balcony area. He's alone while reading a storybook. From a distance, I glimpse inside their house. Nakita ko ang mama ni Akiro na may kausap sa phone pero hindi ko makita ang mukha nito dahil nakatalikod.

Dumapo ang mata ko sa kabaong ni Akiro bago ulit sa Mama niya. Nakapameywang na ito ngayon at nagpabalik-balik ng kanyang lakad.

I took a deep breath. I just decided to go straight to Haru.

"Hi, Haru," I greeted him, waving my hand while pushing my bike to the side.

Binaba niya lang ang hawak niyang libro nang makita niya ako. May pagtataka sa mukha niya na hindi ko na naman din kinagulat pa. Isa lang ang sinasabi ng mukha niya, hindi niya ako inaasahan na bumalik. Kahit ako rin naman pero heto ako, nandito ulit. Lumapit ako at tumabi sa bakanteng upuan sa tabi niya. Maingat ang galaw ko para hindi siya matakot sa akin. Hopefully, not.

Muli kong nagunita ang pagwawala niya kagabi. Sana lang hindi siya umiyak ng todo. Hanggang ngayon hindi pa rin ako handang magpatahan ng isang bata.

"Anong binabasa mo?" takang tanong ko kahit nakita ko na naman 'yong story book na hawak niya.

The Little Prince.

Paboritong story ko din 'to nung bata ko, hanggang ngayon ata. Sino ba namang may ayaw sa story na 'to? Sobrang daming lesson na makukuha at talaga namang nakaka-inspire.

My Thirty-one DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon