His Brother
My parents came and send their condolences to Akiro's Mom. Buti na lang din nakarating sila kasi hindi ko na alam ang gagawin ko pa dito. Akiro's mom was crying earlier while telling story about her son. Akala ko magbi-breakdown siya as in iyong hahandusay sa sahig dahil sa pag-iyak pero hindi naman.
Telling some information about him that I didn't know was fascinating. It was kind of amusing to me while his Mom was telling me those things about Akiro. Mga bagay na hindi ko alam. Halatang mahal na mahal niya ang anak niya which dapat naman talaga. Bigla tuloy sa isip ko si Mommy. She loves me but she doesn't have much time for me. Pero kapag nandiyan siya, lagi niyang pinaparamdam sa akin kung gaano niya ako kamahal. Mother's love is unconditional.
According to his Mom, Akiro was a type of guy na seryoso at tahimik. Wala namang kataka-taka doon at alam kong gano'n talaga siya. Pero ang kinagulat ko ay ang sabihin ng Mama niya na lagi daw itong ginagabi at kung minsan ay kinabukasan na kung umuwi. May trabaho naman daw si Akiro doon sa store nila pero nitong nakaraang alam, madalas wala si Akiro. Minsan daw ay hindi sila nagpapang-abot ng anak dahil may siya ang pumapalit sa pagtitinda. Kaya lang sa tingin ko may iba pang dahilan bukod doon.
Ewan ko ba kung masyado lang akong nag-iisip. Pero kasi, bakit siya aalis ng bahay nila tuwing gabi? May iba pa ba siyang pinagkakaabalhan sa buhay? Bakit hindi alam ng Mama niya?
Definitely, the only word that can describe what I'm feeling is being curious. And I don't get killed by being curious. Curiosity kills the cat.
Nakaupo ulit ako sa pwesto ko habang tinitignan ang parents ko at ang Mama ni Akiro na nag-uusap. Kalmada na ang Mama ni Akiro na paminsan-minsan na umiiyak habang nakikipag-usap sa parents ko. Gusto kong makinig sa usapan nila pero hindi ako makagalaw sa upuan ko.
"Mama!"
A little kid from five or six years old tagged the dress of Akiro's mom. My eyes got widen a bit, flabbergasted by what I saw. Kung tama ang naiisip ko kapatid niya ang batang iyon base na rin sa pagkakasabi nito, may hawig din siya kay Akiro na parang small version nito. Kinukulit niya ang mama niya sa kung anong bagay pero ayaw siyang pagbigyan dahil panay ang iling nito. The boy started to tantrum and even my parents are trying to please him.
Lumapit ako sa kanila at hinarap ang bata. Wala akong alam sa pagpapatahan ng bata pero kusang gumalaw ang katawan ko at lumapit na lang.
Napalunok ako dahil hindi ko talaga alam ang gagawin, wala akong maisip na paraan since wala naman akong kapatid. Wala din akong kamag-anak dito kaya hindi ako sanay na may bata. I wish I can control him or mauto man lang.
Masama ang tingin sa 'kin ng bata habang nakanguso, may butil pa ng luha sa mata niya. He's cute though.
"Ako na po muna ang bahala sa kanya," I said to them.
The amusement on my parents' faces was visible. I, on the other hand, shocked as well to what I said. Saglit na lumiwanag sa tuwa ang mukha ng bata bago mabilis na naglaho. Napangiti ako at bahagyang tinapik ang kanyang ulo. Okay na din sigurong magbantay ng bata sa ngayon tutal wala din naman akong ibang gagawin. Alangan namang tumitig ako sa bangkay ni Akiro mamaya bumangon 'yon at lumabas na lang.
"Sige," sabi nung Mama ni Akiro pero nanatiling nakasimangot pa ang bata. Gusto ko na lang ngayon ibalik ang ngiti niya.
Inabot ko ang kamay ko sa kanya. Nagpabalik-balik ang tingin niya sa akin at sa kamay ko.
Well, hindi ko rin naman siya masisisi kung hindi siya sasama sa akin. We're strangers so it's natural but then he hold my hand using his small hands. He's so adorable.
BINABASA MO ANG
My Thirty-one Days
Mystery / ThrillerEmilia Vernice Cantinar, a simple girl and she considered her life a normal life like everyone. But it changed when she suddenly felt guilty about the tragic death of her classmate, a guy named Akiro. She wanted to have a chance to turn back time an...