Kabanata 16

40 10 2
                                    

Medication


Nagtataka akong nilingon ni Akiro. Salubong ang kilay at nakaawaang bibig, may sasabihin siya. Oh shit! Ang bibig ko talaga hindi mapigilan. Pero hindi siya nakapagtanong sa akin dahil yumakap si Haru sa bewang niya. Hinaplos niya ang buhok nito at binigyan ng ngiti si Haru. Ngiting hindi niya maibigay sa akin dahil lagi niya akong sinusungitan. Okay lang naman basta mailigtas ko siya.

"Nandito ka pala," ani ng mama ni Akiro.

Si Tita Cecil!

Napatingin ako sa dala nitong grocery.

Ngumiti ako. "May project po kasi kami ni Akiro."

"Akala ko girlfriend ka ng Kuya ko." Halos sabay naming nilingon ang maliit na boses ng isang bata.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Haru at mabilis na umilling. "Hindi..." I awkwardly laughed.

Sumagi tuloy sa akin iyong sinabi ni Haru sa future na napagkamalan niya din akong girlfriend ng kuya niya. Hanggang dito pala iyon pa rin ang maiisip niya sa akin. It makes my heart... flutter.

Damn, Emi. Stop it!

"She's not my type," sabat naman ni Akiro.

I make a smug face while staring at him.

So? Eh, ano ngayon kung hindi niya ako type? Type ko ba siya? Hmph!!!

"Pero maganda po siya, Kuya," nakanguso pang komento ni Haru habang nakatitig sa akin.

Pinamulahan ako. Nagawa ko namang makabawi sa gulat ko kay Haru. Inismiran ko si Akiro na nakakunot ang noo. Buti pa ang bata nakaka-appreciate ng ganda ko.

"Haru..." bakas ang pagbabanta ni Akiro sa kanyang kapatid.

"Salamat. Ikaw din ang gwapo mo," aniya ko sabay sulyap kay Akiro na masungit pa rin na nakatingin sa akin. Parang ang laki ng kasalanan ko.

Tumawa ang Mama ni Akiro at doon lang ako ginapangan ng hiya.

"Hindi pa naman kayo tapos 'di ba? Magluluto lang ako," wika ni Tita Cecil.

"Tapos na kami."

"Hindi pa po," makahulugan kong tinignan si Akiro pero tinaasan niya lang ako ng kilay. "Hindi pa tayo tapos. Wala pa nga tayong nagagawa."

Sorry ka pero hindi ako aalis ngayon!

"Tsaka na lang ulit, wala na akong maisip. Pagod na utak ko."

"Eh, dalawang taludtod pa lang ang natapos mo."

"Ikaw? May nagawa ka na ba?"

Oppsss...

Napakamot ako sa ulo ko at nahihiyang ngumisi. Tinapik ko ang balikat ni Akiro na kinakunot ng kanyang noo.

"Pagod na rin pala ang utak ko..."

Tumawa si Haru. Inalis ko ang kamay ko sa balikat ni Akiro. Nahuli ko naman siyang pinagpagan ang balikat niya na tila nadumihan ko siya. Aba! Talaga! Ang lalaking 'to!

"So, wala na kayong gagawin?" tanong ni Tita Cecil.

"Wala na po," sagot ko.

"Kung ganun-"

"Pwede ka ng umalis, Emi." Akiro interrupted.

"'Wag muna Ate Emi," pagpapa-cute ni Haru sabay hawak sa kamay ko.

"Oo nga, Emi. Dito ka muna at 'wag mong pansinin ang pagiging masungit niyang si Akiro," si Tita Cecil.

"Dito lang po talaga ako," sagot ko sabay sulyap kay Akiro na napailing na lang.

My Thirty-one DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon