My Thirty-one Days
Buong akala ko tuluyan na akong namatay. Natakot na hindi ko na talaga makikita ang magulang ko, ang kaibigan ko lalo na si Akiro. Labis akong nag-alala sa kalagayan niya at ni Tita Cecil. Nung una naisip ko na, paano pala kung lahat kami namatay? Ano pa ang silbi ng pagbalik ko kung wala man lang akong nailigtas at mukhang naging masama pa ang kinalabasan! Pero kahit na nagawa ko ngang mailigtas si Akiro ay malungkot pa rin ako dahil may tao pa rin na kailangan na magsakripisyo para mabuhay ang isa.
Malinaw pa rin sa akin na nakatungtong ako sa kabilang buhay. Nagising ako sa isang lugar na napapalibutan ng mga bulaklak at nandoon si Damon, na malungkot na nakatingin sa akin. Parang lalabas sa dibdib ko ang aking puso dahil sa labis kong kaba. At that moment, I know I just died.
Hindi ko alam kahit na malungkot ako sa nangyari, tinanggap ko kaagad. Basta masigurado ko lang buhay si Akiro. Iyon naman kasi ang goal ko sa pagbalik ko. Hindi ko naman naisip na mamamatay ako pero hindi rin sumagi sa isip ko na walang mangyayaring masama kapag niligtas ko siya. Ngunit kahit gayon pa man, alam kong magampanan ko ang misyon ko at masaya na ako.
"Hi..." bati ko kay Damon at lumapit sa kanya.
"You did it." binigyan niya ako ng maliit na ngiti.
"Talaga?" hindi ko makapaniwalang tanong at hindi na rin maiwasan na hindi mapaluha. Kaagad ko itong pinaalis at ngumiti na lang. Gumaan ang pakiramdam ko na makumpirma na buhay siya. Tulad ng sabi ko, masaya ako kahit anong mangyari sa akin basta alam kong buhay si Akiro.
I promised to save him and I did.
"But this is what happened," sagot naman niya.
"Okay lang. I think kailangan talaga na may magsakripisyo para mabuhay," mapait kong turan.
Syempre hindi ko naman gustong mamatay lalo pa't nagawa kong iligtas si Akiro. Gusto kong mabuhay para makasama ang mga mahal ko sa buhay hanggang sa tumanda ako. Gusto ko siyang makasama pa pero mukhang hanggang dito na lang ako.
"Bakit ka nga pala nandito? Sasalubungin mo ba ako bago tuluyan na tumawid sa kabilang buhay? Akala ko ba may problema ka dito?" sinubukan kong paaganin ang nararamdaman ko kaya lang hindi ito umobra pero hindi naman ako umiyak.
"Ito na rin ang huli kong araw dito."
"So, maglalaho ka na lang din ba tulad ng sinabi mo noon?"
He sagged. "I don't know. Walang nakakaalam pero masaya ako kung saan man ako mapupunta."
Masaya? Pero wala naman akong makita sa mukha niya. Mas kita ko pa ang kalungkutan na tinatago niya sa likod ng seryoso niyang mukha.
Tumango na lang ako. "Ihahatid mo pa ba ako? Alam mo na first time dito at hindi ko alam kung saan pupunta baka iba pa ang mapasukan ko," aniya ko kahit na kabado sa susunod na mangyayari.
"May paraan pa para mabuhay ka."
I arched an eyebrow at him. "May paraan pa? Akala mo ba patay na ako? Tsaka kung ang paraan na 'yon ay kay Akiro ka naman hihingi ng tulong para iligtas ako, 'wag na lang. Okay na ako basta ligtas siya." kahit masakit tatanggapin ko basta hindi lang siya ulit mapahamak.
"Hindi mo ba gustong marinig ang paraan ko? Gusto mong tumawid na doon?" tanong niya sabay turo sa mataas na gate na hindi ko makita ang dulo.
Napalunok ako at mabilis na umiling. Binalik ko sa kanya ang tingin. "Ano ang paraan? Is it possible even though I die? Alam kong marami ka nang nilabag para tulungan ako pero kaya mo pa rin ba?"
"Yes, you just die pero lumalaban ang katawan mo sa lupa. In short, fifty-fifty. You're in the in between of life and death. Nasa sa'yo kung anong desisyon mo. But if you want to stay dead there's no guarantee that Akiro would be coming after you. Or pwede ka pang bumalik."
BINABASA MO ANG
My Thirty-one Days
Misterio / SuspensoEmilia Vernice Cantinar, a simple girl and she considered her life a normal life like everyone. But it changed when she suddenly felt guilty about the tragic death of her classmate, a guy named Akiro. She wanted to have a chance to turn back time an...