Akiro's Epilogue

22 7 0
                                    

TW: Suicide Thought, Sexual Abuse, Violence

Last Hope

I was looking for my meaning. I was looking for my purpose in life. I thought my life is a completely darkness until I met her. Naging liwanag siya sa madilim kong mundo. Naging gabay ko siya para makita na hindi ako mag-isa.

Ngunit nang dumating siya sa buhay ko, mas natakot ako at nangamba na baka mawala rin siya. Na baka ako ang maging dahilan kung bakit masaktan siya. Kaya naman tinulak ko siya papalayo sa akin. Ang weird din kasi biglaan ang kanyang pagdating. Hindi ko alam kung papaano ang isang mala-anghel na ganda ay tila nabihag ko. Hindi ko alam kung nagbibiro lang siya o kung anong trip ang nilalaro ng kaibigan niya para lapitan ako. At first, I thought it was just a dare. Pero patuloy pa rin siya sa paglapit sa akin. It was a mystery for me how she got a guts to talk to me when everyone were trying to avoid me.

She's stubborn. Sobrang kulit niya na kahit mapahiya siya sa harap ko at kahit ipagtabuyan ko siya, hindi pa rin niya ako nilulubayan. Lagi siyang nakasunod sa akin na tila isa kong anino. Simula pagpasok sa school hanggang sa makauwi sa bahay, lagi siyang nakamasid sa akin. Nanonood siya sa mga gagawin ko kahit ang weird na nang ginagawa niya.

Hanggang sa unti-unti akong nasanay na makita siya kahit pa inaalis ko ito sa aking sarili. Hindi ko pa rin gusto na lumapit siya sa akin dahil alam kong hindi magaganda ang paglapit niya sa akin. She's not the threat but I am.

Kaagad kong pinagsisihan nang tawagin ko siyang creepy. Iyon naman talaga ang pinaramdaman niya sa akin dahil sa pagsunod pero nadala na rin ako ng taranta dahil may pakiramdam akong hindi siya makikinig sa akin hanggang wala akong sinasabi para tumigil siya. She looks desperate for an inexplicable reason and I don't understand her.

Napatulala ako habang pinagmamasadan siyang nakatingala sa lahat habang nasa likod ang dalawang kamay bago muling inayos ang kanyang buhok. Hindi siya mapakali sa kanyang kinatatayuan at hindi ko alam kung anong ginagawa niya sa eskinita namin. Nandito na naman ba siya para hintayin ako? Ako ba talaga ang hinihintay niya? Ilang beses niya na itong ginagawa at huhulaan ko na nandyan na naman siya bukas.

I smirked, grinning. She's so stubborn.

Mabilis kong inalis ang ngiti ko nang lumingon siya sa akin na may panlalaki ng mata bago umayos ng tayo at kumaway sa akin.

"Akiro!" pagtawag niya na may labis na saya sa kanyang tinig.

Tila masaya siyang makita ako. Bakit masaya siya? Sobrang sungit ko sa kanya at pinagtatabuyan siya pero masaya pa rin siyang makita ako? Ano bang ginawa ko para may isang tao na magpapakita sa akin kung gaano siya kaya kapag nakita lamang ako? Maliban kay Haru at Mama Cecil, wala nang iba pa ang masaya na makita ako. Tapos heto siya, ngumiti pati mga tala sa kalangitan kapag ngumingiti siya.

Pero syempre hindi ko pa rin gustong masanay kahit araw-araw ko nang inaasahan ang kanyang presensya. No words can make her stay away from me. I'm scared that I can't watch her disappear without one word if she decides to left me. Kaya hanggang maari, ako na ang magpapalayo sa kanya lalo na nung napahamak siya ng dahil sa akin.

Labis na galit ang naramdaman ko nang makita siyang dahil sa akin. Dahil sa nakita niya ako na kausap ang Papa ko. He hurt me like before. He wanted to get me and used me to have money for his addiction. He wanted to break me like my mother. I hate him for coming back. Gusto ko siyang mawala pero wala akong labas sa kanya at ang tanging magagawa ko lang ay ang tumanggi hanggang sa payagan ako ng tadhana. Hanggang sa makaisip ako ng paraan para mailigtas ang pamilya ko lalo na si Haru.

I accepted the protection, not for me but for Haru, Tita Cecil, and most especially for, Emi. Lagi ko siyang kasama at laging pumupunta sa bahay at sa store kaya naman kailangan ng may nakatingin sa amin. Nang natahimik na si Papa at malayo na, gusto ko na ulit na maging normal ang buhay namin. Sinubukan ko pa rin namang alisin na si Emi sa buhay ko kahit na hinahanap-hanap na siya ng sistema ko.

My Thirty-one DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon