Escape
Marahil naalog nga ang utak ko dahil hindi ko kayang gawin ang sinasabi ni Akiro. Pero ano bang nagbabago kung naalog man o hindi? Hindi pa rin naman ako susuko sa kanya.
I'm stubborn, so bahala siya.
Tsaka delikado ang nangyari kanina! May sakit siya sa puso at paano kung inatake siya doon habang sinasaktan nung lalaki?! Hindi ko alam kung anong ginawa ko pero paano kung hindi ako dumating?
Gusto kong maiyak ulit pero wala na akong oras doon. Dalawang linggo pa ang natitira sa akin pero pakiramdam ko bukas na ang last day. Natatakot at kinakabahan ako.
Paano kung mapaaga? Paano kung saglit lang akong malingat ay bigla na lang siyang...? Huh! Kahit sa isip lang natatakot ako. Hindi ko kaya!
Hindi ko na naiayos ang paglalagay ng bike ko dahil nagmamadali akong pumasok sa bahay. Hinihingal akong napahinto nang maabutan ko si Mom and Dad sa sala. Taimtim na nag-uusap. Sabay nila akong nilingon.
Lumapit ako sa kanila kahit hindi naman ako sinasabihan at umupo sa tabi ni Dad.
"Saan ka galing, anak?" Daddy asked.
Nagpabalik-balik ang tingin ko sa dalawa. May kung anong mabigat kasi sa tingin nila.
"Ahm... p-pinuntahan ko lang po ang kaibigan ko."
"Kaibigan? Si Akiro ba?" tanong ni Mom.
Bahagya pa akong nagulat pero mabilis naman akong tumango. Hindi ko lang inaasahan na si Akiro ang papasok sa isip ni Mom dahil si Kate lang naman ang kakilala nilang kaibigan ko. Never ko ngang nabanggit sa kanila na gusto kong maging kaibigan si Akiro. Never ko ngang na-open ang topic na 'yon dahil lagi naman silang wala.
Walang nagsalita, nagkatinginan lang si Mom and Dad. Kaya naman muli kong ginalaw ang aking labi.
"Paano niyo po nalaman ang tungkol kay Akiro?" pasimple pero mapagmatyag na tanong.
"Emi, layuan mo si Akiro." imbes na sagutin ako, iyon kaagad ang naging bungad ng sagot ni Mom.
My face crumpled as I shook my head. I'm confused. "W-why? Why should I, Mom?"
"Hindi mo kilala si Akiro, Emilia," ani ni Daddy.
"And kayo kilala niyo siya?" mukhang hindi nagustuhan ni Mom ang sagot ko dahil sa pagsalubong niya ng kilay.
Humarap ako kay Dad. "Kaibigan ko si Akiro, kaya bakit ko naman siya lalayuan? Wala naman siyang ginawang masama sa akin."
"Kaibigan?" hindi makapaniwala na tanong ni Mom.
Tila bago sa kanyang pandinig na may kaibigan si Akiro o ako? Not sure but they knew I have friends. O talaga bang nakakagulat na maging kaibigan si Akiro?
"Anak," marahang pagtawag ni Dad sabay sulyap kay Mom bago sa akin. "Hindi siya makakabuti sa 'yo. Mapapahamak ka lang ng dahil sa kanya. You are probably clueless who he is."
I awkwardly laughed before I became serious. "Bakit nga po? Kasi kung hindi niyo sasabihin sa akin. Paano ako maniniwala?"
"Nakalaya na ang kanyang ama," si Mom.
"Toru Sato is Akiro's father. Ilang araw na rin itong nakalaya."
Ama?
Hindi ko maintindihan.
Subalit hindi ko binigyan ng pagkakataon si Mom na magsalita muna dahil inunahan ko siya.
"H-hindi po ba na maganda 'yon? I mean, magkakasama na silang muli," turan ko kahit bigla akong nakaramdam ng kaba.
BINABASA MO ANG
My Thirty-one Days
Mystery / ThrillerEmilia Vernice Cantinar, a simple girl and she considered her life a normal life like everyone. But it changed when she suddenly felt guilty about the tragic death of her classmate, a guy named Akiro. She wanted to have a chance to turn back time an...