Kabanata 26

57 12 1
                                    

Constant

"Pansin kong lagi kang nakatingin sa taas. Bakit lagi kang nakatingin sa langit?" tanong ko bilang pagbasag sa katahimikan.

Masyadong tahimik ang paligid namin ngayong naglalakad kami sa dalampasigan nang magkahawak ang kamay. Tanging mahinahon na hampas ng alon at malamig na sipol ng hangin ang tanging aming naririnig.

Madaling araw na at lumipat kami dito dahil gusto naming makita ang sunrise mamaya. Abot naman doon sa tagong lugar kanina kaya lang mas magandang panoorin habang nasa dagat. Nakapagtampisaw na rin ako kanina kasama si Akiro.

Kahit nasa isip ko pa rin ang halikan namin ni Akiro kanina, gusto kong maalis muna ito at alamin pa lalo ang kanyang pagkatao. Pakiramdam ko nakapasok na ako sa buhay niya.

Finally, masasabi ko na rin na parte ako ng buhay niya ngayon at parte na siya ng buhay ko.

He squeezed my hand a bit, gently brushing his thumb on my hand. "The sky has always reminded me that I'm not alone. It became my comfort zone. Kaya naman kaya kong tumingin sa langit ng matagal at hindi mapagod... tulad nito. I can stare at you for hours without getting tired. Because I like the view."

Tumigil ako sa paglalakad at hindi mapigilan na mapangiti habang kinikilig.

"Ang lakas mong magpakilig ah..." I teased him.

He chuckled, making a big smile I loved to see. "That's true. Pero kinilig ka nga?"

Tumawa ako. "Sino bang hindi kikiligin?"

Mas lalo lumaki ang ngiti niya kasama pa ang kanyang singkit na mata. "Kinikilig ka nga," pag-uulit niya na parang hindi pa rin makapaniwala.

"Sa 'yo lang ako kikiligin." I winked at him.

He groaned. "Damn it, Emi. You're giving me butterflies." Namumula na ang kanyang mukha, leeg, at tenga.

Nagdesisyon na kaming umupo sa buhangin. Nakaupo ako sa pagitan ng kanyang hita, nakahilig ang aking ulo sa kanyang dibdib, at nakayap siya sa akin.

I felt the warmth of his body and I could hear his heart beating so fast and loud.

This is the best feeling I've ever felt.

The best moment I want to hold on forever.

A memory I will always remember even in the afterlife.

"Hindi mo naman ako iiwan 'di ba?" marahan kong tinig habang nakatingin sa kamay naming magkasakop.

Naramdam ko ang bahagya niyang pagkatigil ngunit mabilis ding nakabawi, mas humigpit ang yakap niya. "Hindi kita iiwan. Hindi kahit na sa susunod na buhay."

I'm over thinker and it became worst since I came here to save him. I feel like I always need an assurance that he will never do anything. Gusto ko laging naririnig sa kanya na magkakasama kami hanggang matapos ang araw na binigay sa akin ni Damon.

Na hindi ako magkukulang para lang mailigtas siya. I want him to tell me everything, so I will know what I should do to help him.

Kahit sa susunod na buhay, kung bibigyan ulit ako ng pagkakataon na mahalin si Akiro, hindi ako magdadalawang-isip na tanggapin ito.

"Ikaw ang pahinga ko at ang tanging sandalan sa magulo kong mundo. Anong gagawin ko kung wala ka? Sino ang mangkukulit sa akin sa araw-araw? Kund hindi ikaw Emi, hindi ako papayag. Sa iyo ko lang nakita muli ang buhay at natutunan kung paano muling ngumiti. I'll be incomplete without you, so how could I live without you? Nandito lang ako palagi sa tabi mo, mahal ko."

Marahan akong tumango pero kaagad ding nangilid ang luha na pasimple kong pinaalis.

I kissed the back of his hand and I closed my eyes when he kissed my the top of my head.

My Thirty-one DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon