I dedicated this chapter to @etrabsilver. Thank you so much!
~~~
TW: Sexual Abuse
Missing
2 Days Left...
Akiro is missing.
It has been four days since the last time I saw him. Walang humpay ang pag-iyak ko sa labis na pag-aalala kung nasaan siya. Hindi ako mapalagay, iyong tipong naglalakbay ang isip ko kung saan ko siya hahanapin kahit nakaupo lang ako sa bahay man o sa school.
Okay lang ba siya? Bakit siya umalis nang wala man lang paalam? Hindi naman niya sinaktan ang sarili niya 'di ba? May nagawa ba akong mali? Buong akala ko okay lang kami nung nagyaya siyang umalis kami. Tapos nakipagkita kay Mommy, okay naman ang lahat. Wala naman kaming pinagtalunan at ang huling message niya sa akin ang naging dahilan ng mahaba at magaan kong pagtulog.
Akiro:
I can't wait to see you again and hear your voice that always gives me strenght. Sleep tight, my beautiful flower.
Matagal ko itong tinitigan at naghihintay ng kasunod na sasabihin niya ngayong nawawala siya.
Kaya bakit nawawala siya?
That day, he keeps on smiling at me. He never fail to make my flutter with his touches and words. Tapos ito, mawawala lang siya? Naglalaro sa isipan ko kung bakit nawala siya.
Mas nakakapangamba kasi sinabi ni Akiro kay Tita Cecil na pupunta lang ito sa kanyang Uncle pero hindi naman daw ito nakapunta doon at hindi naman daw talaga pumupunta doon si Akiro. Ibig sabihin, nagsinungaling si Akiro sa pag-alis niya. Kung ganun, nasaan siya?
Wala kaming alam ni Tita Cecil at labis kaming nag-aalala. Nagreport na si Tita Cecil sa pulisya at alam na rin ng parents ko ang nangyari. At gusto nilang lumayo ako sa problemang ito pero hindi ko kaya.
Hindi ngayon na nawawala siya at walang may alam kung nasaan si Akiro.
Nakakapanglumo...
When I realized that I love him, he's gone. Despite of him went missing, he's still my everything.
I love him so much.
Humahawak pa rin ako sa pangako niya na hindi niya ako iiwan kahit na anong mangyari.
"Mommy, anong sinabi mo sa kanya?" hindi ko mapigilan ang pag-garalgal ng boses ko.
Kumunot ang noo ni Mommy at hindi ako makapaniwalang binalingan. "Bakit mo tinatanong 'yan? Are you accusing me, Emilia?"
Tumulo ang luha ko at umiling. "No, Mom. Pero baka may sinabi-"
"Wala akong sinabi kay Akiro. At kung may sabihin man ako, choice niya 'yon kung aalis siya ng walang paalam." inis na sagot ni Mommy.
"Keep your cool, Emilia. Hahanapin naman namin si Akiro sa abot ng makakaya namin," Dad said.
Tumayo si Dad at pinakalma si Mommy. Humingi naman kaagad ako ng pasensya dahil sa tanong ko. I'm not accusing her. I'm just frustrated.
Naninikip ang dibdib ko sa sobrang sakit. Hindi ako makapag-concentrate, lagi ko siyang hinahanap. Mas bigo pa ako ngayon dahil hindi ko makausap si Damon. Naiinis ako sa kanya dahil kung kailan kailangan ko siya, doon naman siya hindi makita. He might have a clue where he is.
Ilang beses ko na ring tinawagan si Akiro pero walang sumasagot. Hindi rin ma-contact ang kanyang phone at wala rin siyang iniwan na kahit anong mensahe para sabihin kung nasaan siya. He just leave without any trace.
BINABASA MO ANG
My Thirty-one Days
Mystery / ThrillerEmilia Vernice Cantinar, a simple girl and she considered her life a normal life like everyone. But it changed when she suddenly felt guilty about the tragic death of her classmate, a guy named Akiro. She wanted to have a chance to turn back time an...