TW: Violence
Paalam
Mabilis ang pagtakbo ko nang hindi lumilingon sa aking likod. Umalingawngaw din ang malakas na sigaw ng mga sumusunod sa akin. Napalingon ako sa likod, napatili, at nakatakip ang tenga nang may malakas akong narinig na putol ng baril.
"Tigil sabi!"
Ngunit hindi ko ito pinansin at muling tumakbo kaya lang sa takot at pagmamadali hindi ko napansin na may malaking kahoy pala. Nadapa ako at napadaing sa hapdi ng aking tuhod. Pero hindi ko man lang ito tinapunan ng tingin at tumayo ako para muling tumakbo at makahanap ng pagtataguan.
Muling nagpaputok at hindi na ito patama sa taas kundi sa akin na. Buti na lamang kaagad akong nakatago sa likod ng puno bago muling tumakbo. Lumandas ang luha ko at muntikan na ako maihi sa salawal ko sa labis na takot. Sobrang lakas ng kabog ng puso ko na halos ikabingi ko.
Ika man sa paglakad, nagawa ko pa ring makalayo kahit dinig ko ang ilang beses nilang pagpapaputok.
Hinihingal akong nagtago sa likod ng puno. Napaupo ako sa sahig at doon ko lamang tinignan ang mahapdi kong tuhod. Tinaas ko ang pajama ko at tumambad sa akin ang malaking gasgas ko sa aking tuhod. May dugo pero hindi ko naman ikamamatay.
Kaya muli akong tumayo dahil naririnig ko pa rin ang boses nila. Hindi ako lumayo sa warehouse dahil kailangan kong makalapit kay Akiro at itakas siya dito.
"Nakawala ang anak mo! Tang*na! Hindi pa tayo tapos kunan ng picture 'yon para mabenta!" galit na galit na singhal nito.
I gritted my teeth as I chewed my lips. Tahimik kong pinunasan ang luha ko na dulot ng matinding galit para sa mga taong ginawan ng kahalayan si Akiro.
Paalis na dapat ako doon sa puno nang biglang may humila sa akin at tinakpan ang bibig ko kaya hindi ako nakasigaw. Halos lumabas ang puso ko sa lakas ng kabog nito sa takot. Tila panandalian na humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko kung hindi ko lang naramdaman ang pamilyar na hawak at amoy nito sa akin.
Lahat ng takot ko ay unti-unting kumupas nang makita sa aking harap si Akiro. Tumulo ang luha ko at mabilis siyang niyakap. Lahat ng pangamba ko panandaliang humupa nang mahadkan siya.
I buried my face on his chest, letting myself to listen on his heart.
"I missed you..." gumagaralgal kong tinig.
Unti-unting humigpit ang yakap ni Akiro sa akin. Mas lalo akong naiyak nang marinig ko ang paghikbi niya. Pero hindi rin ito nagtagal na nagparamdaman sa akin ng kirot sa aking puso.
"Bakit ka nandito?" batid kong gusto niyang magalit pero napapangunahan siya ng pag-aalala.
"Nawala ka at girlfriend mo ako. Kaya masisisi mo ba akong hanapin kita? Isang oras pa nga lang na mawala ka nababaliw na ako. Tapos tatlong araw kang nawala! Para akong mamamatay."
"Pero paano mong nalaman na nandito ako?" litong-lito niyang tanong.
Umiling ako. "H-hindi na halaga 'yon." Hinuli ko ang pulsuhan niya. "Tara na, Akiro. Tumakas na tayo. Delikado dito."
Umigting ang panga niya. "Delikado nga kaya paanong nandito ka? Paano mo nalaman? Alam kong walang nakakaalam kahit sino na nandito ako? Sinundan-" pinutol niya ang kanyang nais na sabihin at umiling siya. "Hindi. Kung sinundan mo ako malamang wala pang isang araw na nawala ako, nagpakita ka na." mas lalong naningkit ang mata.
Lumunok ako dahil tila may naipon na bara sa aking lalamunan. Nagtatanong ang kanyang mga mata.
"How did you know?" dugtong pa niya.
BINABASA MO ANG
My Thirty-one Days
Misterio / SuspensoEmilia Vernice Cantinar, a simple girl and she considered her life a normal life like everyone. But it changed when she suddenly felt guilty about the tragic death of her classmate, a guy named Akiro. She wanted to have a chance to turn back time an...