Kabanata 15

33 11 0
                                    

He Used To Play


Muli naming tinatahak ang bahay nila gamit itong bike niya. Nag-iisip ako kung anong kondisyon ng bahay nila ngayon na buhay pa siya. Si Haru kumusta kaya? Pati iyong mom niya? Makikita ko rin kaya doon ang Dad ni Akiro? Sa future hindi ko ito nakita o nabalitaan man lang na sumilip sa burol ni Akiro. Maliban na lang doon sa narinig kong pagtatalo ng mama at papa niya.

Sinisisi ng mama ni Akiro ang asawa niya. Bakit naman kaya? May kinalaman ba sila kung bakit ni Akiro gustong magpakamatay?

"Iyong kondisyon natin a," paalala muli ni Akiro.

Mabilis akong tumungo sabay baba sa pag-angas sa bike niya. "Hindi ko kakalimutan," sagot ko.

Madali lang naman ang kondisyon niya - 'wag ko lang ipagsasabi sa kahit kanino na pumunta ako dito sa kanila. Kung pwede nga lang ata, itatago niya ako sa kanyang bag para lang wala ring makakita na magkasama kaming dalawa.

He did not explain why pero pumayag na lang ako.

Dumapo kaagad ang mata ko sa parte ng bahay nila kung saan siya nakaburol. May sofa na doon ngayon at may painting na doon sa pader ng isang sunset. Pasimple akong napailing para alisin iyon sa isip ko. Nilibot ko na lang ito sa paligid at napansin na wala namang halos nagbago. Ang tahimik tulad din ng bahay namin at maayos naman ito kahit hindi nga lang kasing laki ng bahay namin.

Hinubad ko ang sapatos ko sa labas kagaya ng ginawa niya at maayos itong nilagay sa gilid. Hinintay niya akong matapos bago siya pumasok sa loob.

"Bakit walang tao rito? Ikaw lang ba ang nakatira dito?" takang tanong ko sa kanya.

Pag-iiwas na rin na direktang itanong sa kanya kung nasaan ang kapatid niya at mama niya.

"Wala pa sila," simpleng sagot niya lang. "Upo ka muna at magbibihis lang ako."

Napatitig ako sa sofa. Muling bumalik sa akin iyong araw ng burol niya. Napabuntong-hininga ako at tumango. Ang weird lang na uupo ako sa exact place kung saan nakaburol si Akiro. Ramdam ko ang pagtayuan ng mga balahibo ko sa aking katawan.

Umalis din naman siya at tulad ng sabi niya umupo muna ako sa sofa. Nagulat ako nang biglang may sumulpot sa tabi.

"Damon!" buti hindi malakas ang pagkakasabi ko at kaagad tinakpan ang aking bibig.

Para akong aatakihin sa gulat.

He puts his index finger on his mouth and makes a sound, "Shhhh!" napairap ako at hinarap siya.

"Bakit ngayon ka lang nagpakita?" mahina kong tanong sa kanya.

"Hindi mo pa naman ako kailangan," tamad siyang sumandal sa sofa at naka-dekwatro ang binti.

"So, kailangan na kita ngayong?" sarkastikong tanong ko sa kanya.

Lumabi siya at umiling. "Papaalahanan lang kita. 24 days na lang ang meron ka para mailigtas si Akiro."

Matapang akong tumango. "Alam ko. And I decided to save me. Hindi magbabago 'yon."

I promise to save him.

I swear to myself that I will save him.

Hindi ko na masasaksihan ang pagkahulog niya sa building at ang dugong lumabas sa kanya kasi ililigtas ko siya.

Saglit kaming nagkatinginan bago sumilay ang ngiti niya at biglang naglaho. Well, hindi na ako magugulat dahil lagi naman niya iyong ginagawa. Biglang susulpot, biglang mawawala.

"Anong plano?"

Nag-angat ako ng tingin kay Akiro na lumabas mula sa kwarto niya. Naka-black shirt siya na may print na 'Same Dream' at naka-jogging pants din na itim. Lumutang tuloy ang kaputian niyang taglay. Sinuklay niya palikod ang buhok habang papalit sa akin. Hindi ko alam kung alam niya ba sa sarili niya na attractive siya.

My Thirty-one DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon