Kabanata 17

39 9 0
                                    

Old Building


Gabi na nang makauwi ako kaya hinatid ako ni Akiro. As usual pagkauwi ay walang tao sa bahay. Pabagsak kong hiniga sa kama ang katawan ko at iniisip ang mga nalaman ko tungkol kay Akiro. Nakatingin lang ako sa kisame at hindi ko alam kung may iniisip ba ako dahil sa labis kong pagkatulala. Tanging imahe lamang ni Akiro ang nakikita ko.

"May sakit siya sa puso..."

"Meron nga..." may bumulong pero hindi pinansin.

"Ginawa niya ba 'yon dahil may sakit siya?" tanong ko sa sarili ko.

Natigilan ako at umiling. "Hindi..." I hissed.

Alam kong masakit malaman na may sakit ka pala at delikado pa pero hindi naman iyon sapat para sumuko siya sa buhay. Hindi lang iyon ang rason para tapusin ang lahat.

"Same tayo ng naisip..."

Napabalikwas ako sa narinig ko. Nakita ko si Damon na nakahilig sa desk ko at binabasa ang isa sa science book ko.

"Alam mo?" pagtataka kong tanong.

"Hmm..." sagot niya sabay tango.

"Bakit hindi mo sinabi?!"

"Kasi nga hindi ba bawal sabihin. Ako ang mapapahamak kapag sinabi ko sa'yo ang lahat," pagdadahilan niya sabay lapag ng libro para harapin ako.

Ngumuso ako. Ano pa ba ang hindi ko alam kay Akiro?

"Marami ka pang hindi alam sa kanya," aniya ni Damon, nabasa ang naisip ko. "Ikaw ang kailangan na gumawa ng lahat. Sabi ko naman sa iyo na tutulungan lang kitang makabalik pero ikaw ang mag-iisip at gagawa ng paraan para maligtas siya. Nasa kamay mo ang magiging kapalaran ng hinaharap."

Matindi akong napalunok sa sinabi ni Damon.

"Bakit ang seryoso mo ngayon pagkatapos mong kumuha ng sopas sa kanila?" hindi ko maiwasang hindi magtaka dahil sobrang seryoso niya ata.

Iba ang inaasta niya ngayong gabi. Parang kanina lang nahuli ko siyang kumuha ng sopas tapos ngayon parang bad mood siya.

Matunog siyang bumuntong-hininga. "Ayoko lang na magkamali ka."

Napatitig ako at kasabay noon ang pagkunot ng noo ko dahil sa sinabi niya.

"Lahat ng gagawin mo, maaaring magbago sa future," seryoso niya pang dugtong. At alam ko rin na isa iyong paalala sa akin.

Of course, he knew something I did not know. Pero kahit tanungin ko siya alam kong hindi niya sasabihin sa akin dahil hindi nga pwede.

Tumango ako sabay hugot ng malalim na hininga. "Unti-unti ko na din naman nalalaman ang totoo kahit na mas lalo ring gumugulo ang lahat tungkol kay Akiro. Tila isang explosion box ang buhay niya na sa tuwing bubuksan ko laging may surpresa. Natatakot ako na may mas malala pa."

"Always think carefully and move vigilantly, Emi. Iyon lang ang maipapayo ko sa iyo," ani ni Damon bago siya muling maglaho.

Kinabahan naman ako sa sinabi ni Damon kasi totoo naman. May alam siya kaya pinapayuhan niya akong mag-ingat pero alin naman sa nalaman ko ang magpapahamak sa akin?

23 days left...

"Kumusta? May nagawa ba kayo kagabi?" bungad na tanong ni Kate.

Kita ko ang pasimpleng sulyap na tingin ni Kiefer sabay iwas ng mahuli ko siya at pinaikot ang bola sa daliri niya. Tumingin naman ako sa likod kung saan ang pwesto ni Akiro pero wala pa ito. Five minutes na lang mali-late na siya.

My Thirty-one DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon