Kabanata 10

38 9 0
                                    

Have We Met Before


"Have we met before?"

Nagpaulit-ulit ang mga salitang 'yon sa isip ko habang nag-iisip ng maaaring isasagot sa kanya pero walang napasok sa isip ko. Hindi ko rin alam kung paano masasagot 'yon. Anong ibig sabihin nun? Mabilis na sumagi sa isip ko kung dati ba tinutukoy niya? O talagang nagkita na kami noon?

I feel my body freeze for a while. Our eyes locked with each other as no one tried to speak and I wasn't able to answer his question. Makailang beses akong napakurap at iniisip kung magiging tama ba ang salita na lalabas sa bibig ko.

Tumahimik ang buong paligid naming dalawa. Kinabahan naman ako sa pag-iisip at sa titig niyang naninimbang.

He sighed. "I'm-"

"Magkaklase tayo. So, basically we have met before," sagot ko tanong niya kanina at bahagya pang ngumiti sa kanya.

Matunog siyang napabuntong-hininga, umiwas siya ng tingin, tila nag-isip pa saglit bago bumalik na ang tingin sa akin. "Kalimutan mo na lang ang tanong ko." Kumamot siya sa kanyang batok.

"Okay," buti pa nga.

Nagbaba ako ng tingin sa kamay ko. I was expecting na kaya siya nandito dahil doon sa nangyari kanina pero iba ang lumabas sa bibig niya.

Teka! Saan naman nanggaling ang tanong niya 'yon?! Hindi ko alam kung anong tinutukoy niya. Malamang nagkita na kami kasi nga 'di ba magkaklase kami?! Dapat ang tanong niya ay 'are we close to talk to each other?' Or 'papansin ka ba?' siguro na 'yon ang tanong niya baka... wala rin pala akong maisasagot. Pero siya naman ang unang kumausap sa akin, siguro tanong niya lang 'yon para hindi kami awkward.

Malalim na ang iniisip ko nang magsalita siya para basagin ang katahimikan.

"I'm sorry,"

Hindi na ako nagulat nang lumabas ang salitang iyon sa bibig niya kaya naman tumango lang ako at hindi siya magawang tingnan. Wala naman siyang alam 'di ba? Malabo 'yon dahil sa malinaw ang sinabi sa akin ni Damon na ako lang ang makakaalala ng lahat kaya hindi talaga mangyayari 'yon.

"I'm sorry," pag-uulit niya at doon na ako bahagyang nagulat.

He swallowed hard. "I didn't mean to hurt you. Hindi ko sinasadya na mahulog ka kanina."

Napaangat ako ng tingin sa kanya. "Apology accepted," I said, smiling.

I can see in his eyes that he's sincere. Hindi niya nga lang ata inaasahan na mapapatawad ko siya kaagad.

Kailangan kong magsalita dahil sobrang awkward ng katahimikan namin lalo pa't nakatingin lang siya sa akin at nabo-bother ako kung tumatakbo sa isipan niya. "Mapilit kasi ako kaya ito tuloy," I chuckled softly. "Kaya naman... magka-pair na tayo sa project." I declared without asking him whether he like it or not.

He groans frustately. "Bakit ba mapilit ka?"

"Bakit din ba ayaw mo?"

"Paano kung ayaw ko talaga?"

Pabebe yarn?

"Hmm... hindi ako sumusuko, Akiro. Lalo pa't wala ka naman talagang pair, tayo na lang sa klase ang wala pang ka-partner sa project. Kahit pa sabihin mo na kaya mong mag-isa, two is better than one." pangungumbinsi ko.

Ginulo niya ang buhok niya tila nauubusan na naman ng pasensya. Isang matunog na buntong-hininga ang binitawan niya bago sumulyap sa akin.

"Okay sige pero ngayon lang."

My Thirty-one DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon