Kabanata 8

62 12 0
                                    

Fell


"Ayoko ko nga."

He rejected me not once, not twice and not even thrice. That was for the eight times. Bakas na rin sa mukha niya ang pagkairita sa kakulitan ko. Kahit ako nakukulitan na sa pangungulit sa kanya.

"Bakit ayaw mo? Eh, wala ka pa namang ka-partner." angal ko.

Huminto siya sa paglalakad at inis akong hinarap. Nasa corridor kami ngayon malapit sa papuntang gym. May program kasi ngayon ang school at kailangang nandoon ako dahil ako ang class president ng klase namin. Kailangan ko din ng kasama pero wala ang vice president kaya kailangan ng representative kahit sino. Kung dati na wala pa akong alam at hindi nakakabalik kung nasaan ako ngayon ay si Kaye ang isinama ko pero ngayon si Akiro.

Wala rin siyang choice na tumanggi dahil nasa harap ang teacher namin kanina pero syempre sinubukan niyang tanggihan ang pagpili ko na isama siya rito. At ngayon, kinukulit ko na naman siya para maging partner kami sa isang project pero sobrang kunat naman nitong papayagin.

"Ano bang pake mo?!" iritable niyang sabi. "Iyon ba ang dahilan kung bakit sinama mo ako ngayon dito? Para lang mamilit? Hindi ka ba nakakaintindi kahit paulit-ulit ko nang sinasabi na ayoko ko. Saan ba doon ang hindi mo maintindihan?"

Hindi naman malakas ang boses niya pero iilang mga matang nakatingin sa amin dahil halata sa mukha niya na inis siya... sa akin.

I heave a sigh as I avoid his furious eyes. "Oo." nag-angat ulit ako sa kanya pagkasabi ko nun. Nahagip ng mata ko ang pag-igting ng panga niya. "Kaya nga kita sinama kasi gusto nga kitang kumbinsihin na maka-partner. Wala namang masama kung maging magpartner tayo kasi tayo na lang ang wala pang pair," marahan kong turan at pinigilan na tapatan ang kanyang inis.

"Tsk." iyon lang ang naging sagot niya.

Akma siyang aalis papunta sa ibang direksyon pero hinuli ko kaagad ang pulsuhan niya. "Saan ka pupunta?"

Bumaba ang tingin niya sa kamay ko pero kahit na nag-iinit na ang mukha ko sa kahihiyan hindi ko siya mabitiwan. This is the first time na nagkaroon kami ng physical contact sa isa't-isa. Tila tatagos ang puso ko sa lakas ng kabog ng aking dibdib.

Kalma, Emilia. Hawak lang naman 'yan eh kaya relax lang.

Pero hindi pa ako nakakabawi sa sarili ko dahil sa kamay kong nakahawak sa pulsuhan niya ay inis namang inalis niya na 'yon. Nilagay ang dalawa niyang kamay sa bulsa at nauubusan na ng pasensya niya akong pinagmamasdan. Kung pwede niya lang siguro ako tirisin, ginawa na niya. Sa akin ata lalaki ang mata ni Akiro kahit singkit siya.

"Give me enough reason to stay because this feels like a freaking joke," mariin at inis niyang sabi.

Nagulat ako at hindi kaagad nakasagot sa kanya. Nalilito ako kasabay nun ang malakas na pagkabog ng puso ko.

Nagkurap-kurap ako at mahinang tumikhim. "K-kasi wala akong k-kasama. Kailangan kita. Kailangan mo rin ako." I tried to suppress my nervousness but I failed.

I saw he swallowed hard and looked away. He gritted his teeth as he knit his brows curiously and furiously.

He sighed. "'Yon lang?"

"Hindi ako titigil hangga't hindi ka pumapayag." isip ko lang sana pero napalakas.

"I can't believe you." he sounded a bit annoyed and disappointed.

Hindi rin naman ako makapaniwala sa aking sarili na ginagawa ko ito.

Napailing siya at tinalikuran ako nang marinig ang announcer na tinatawag na ang lahat papunta sa gym.

My Thirty-one DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon