Kabanata 20

58 12 0
                                    

The Danger


"Okay class... ano bang gusto niyo? Kayo na lang pipili ng magiging partner niyo o ako na lang?" tanong ng teacher namin sa P.E. class.

"Ma'am, kami na lang po!" sagot naman ng ilan sa mga kaklase ko.

"Hindi! Si Ma'am na lang para surprise kung sino magiging partner natin," kinikilig naman na sabi nung isa pa.

Pinapanood ko lang ang naging reaksyon ng mga kaklase ko na nagkakagulo kung anong gusto nila. Dumapo ang tingin ko kay Akiro na nakatingin sa labas at nakapangalumbaba. Minsan siya na lang din ang tinitignan ko dahil siya na lamang ang naging buhay ko. Siya rin ang pinagkukuhanan ko ng lakas para ipagpatuloy ang misyon ko. Hindi ako nawawalan ng pag-asa.

Kahit pa minsan may mga panahon na masungit, mainit ang kanyang ulo, at talagang hindi ako pinapansin pero alam ko na kung paano i-ha-handle ang ganun niyang ugali. Pinapakinggan ko kung ano ang mga rant niya at hinayaan ko siya na sabihin kung ano mang ang bigat ng kanyang nararamdaman. Hindi naman niya sa akin binubuntong ang inis niya pero napagtanto ko na madalas ako ang rason ng kanyang inis. Ngunit hindi ako lumayo. Hindi ko kayang magpahuli dahil bilang lamang ang sandali at hindi ko hawak ang oras.

Binalik ko ang tingin sa unahan at ang daming suggestion ng mga kaklase ko. Tiningnan kong muli ko si Akiro. Tulad ng dati, wala siyang pakialam.

Pagkatapos nung pagtugtog niya sa bahay ay wala na siyang masyadong imik pa sa akin kahit pa ilang araw din ang panay naman ang dalaw ko sa kanila. Hindi na rin niya gustong tumugtog ulit kahit na iniimbintihan ko siya para magawa niya ang kanyang gusto.

"Okay, class..." ani ng teacher namin habang hinahampas ang lamesa para kunin ang atensyon namin. "Ganito na lang, ako na lang ang mag-a-assign sa inyo. Kapag may kumulang o sumobra mula sa section baka isama ko na sa inyo ang kabilang section."

Mas naghiyawan ang mga kaklase ko. Kilig na kilig sila sa ideya ni ma'am.

"OMG! Baka section nila Markus 'yong tinutukoy ni ma'am! Sana ka-partner ko si crush!" kinikilig na bulong sa akin ni Kate.

"Kung swerte ka," natatawa kong sagot sa kanya.

"Ikaw?"

Isa lang naman ang gusto kong maging partner...

"K-kahit sino..." sagot ko at pinigilan ang sarili na lingunin si Akiro.

Hindi ko muna sinundan si Akiro ngayong araw dahil uuwi na ngayon si Papa. Excited ako dahil mahigit isang buwan na kaming hindi nagkikita. Lagi siyang busy dahil isang general ang Papa ko.

"Papa!" magiliw kong bati sabay yakap sa kanya.

"Emilia!" sinubukan kong hindi umirap dahil siya lang ang tumatawag sa akin sa buo kong pangalan.

Sobrang makaluma ang pangalan ko pero tinanggap ko din naman. Wala na rin naman akong magagawa.

Hinarap ko si Papa.

He looked so tired but he gave me a sweet smile I've missed so much. Ngunit akala ko na magiging buo na kami sa bahay ngunit kakarating palang niya ay kinailangan niya ulit umalis para puntahan si Mama sa office nito dahil may pag-uusapan daw silang dalawa. Naiwan na naman ako sa bahay.

Wala akong magawa kaya naman naisipan kong i-chat si Akiro sa fb. Hindi ko alam kung sasagot siya pero susubukan ko lang. Sana hindi siya busy.

Nakailang ulit ako sa pagtipa at pagbura ang mga tinipa ko dahil hindi ko alam kung tama ba iyon. Hindi ko alam kung papaano magsisimula ng chat. Ugghhh!

My Thirty-one DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon