The Guardian
My eyes widen as I felt I wanted to scream so loud. However, there's no sounds coming out from my open mouth. Nakailang beses akong nagkurap at talagang totoo na may tao nga sa harap ko. Ang daming tanong ang pumasok sa isip ko at iba't ibang senaryo kung ano ang maaari niyang gawin sa akin kung sakali man na may gawin ako o lumaban sa kanya.
Tulala ako at nanginginig sa takot, parang naiihi ako sa salawal ko. Shit! So, totoo talaga na merong sumusunod sa 'kin. Hindi ako namamalikmata! Tama ang kutob ko!!!
Pero malaking palaisipan kung paano siyang nakapasok dito? Nauna ako sa kanya 'di ba? O nung nawala siya nakarating na siya dito kaagad pero paano naman? Teka! Hindi naman siya manananggal o kaya aswang 'di ba? Tinignan ko ang kabuuan niya at kumpleto naman ang katawan niya. Hindi naman siyang mukhang aswang o kapre.
"M-mama," iyon lang ang tanging lumabas sa boses ko habang nanginginig pa sa takot. Maililigtas ba ako ni Mama kung ako lang naman mag-isa dito?
Get a grip, Emilia!
A hint of smile forms on his lips. Parang natutuwa pa siya ngayong natatakot ako sa kanya. Doing what devils do. Hindi naman creepy ang ngiti niya pero hindi nun napahupa ang takot ko. Mas nadadagdagan pa nga nun ang kaba ko.
"Hindi ako ang mama mo."
Napaatras ako kahit na nanginginig ang mga tuhod ko. Luminga ako sa paligid at tiningnan kung may bagay ba ako na pwedeng gamitin sa kanya para ipang-depensa. May nakita akong walis tingting pero malayo ito sa akin.
"Bakit parang nakakita ka ng multo?" taka nitong tanong at nagkamot pa sa kanyang batok.
Napaatras ako sa gate at hindi na makapagsalita pa ulit. Multo ka kasi!!!
He removed his fedora hat and placed it on his chest. He wore a long black coat and suit. In short, a man in black. Mas nakita ko na ngayon ng malinaw ang mukha niya. He have a nice square shape face that makes square him look like a foreigner. The colors of his eyes were pitching black and he has a pointed nose and a small lip. Matangkad ito at sakto lang ang laki ng pangangatawan. Mukha siyang nasa thirties na pero mas nakapukaw ng atensyon ko ang pahabang peklat mula sa pisngi niya pababa sa gitnang leeg niya.
"S-sino ka ba?!"
He shrugged. "Ano ba sa tingin mo?" kunwari nag-isip siya, napangiwi siya at pinagpagan pa ang kanyang sumbrero. "Kasi kayong mga tao ang dami niyong tawag sa amin. Kilala ang katulad ko bilang Grim Reaper, si kamatayan at kung ano-ano pa," natatawa niyang sabi.
Kumunot ang noo ko. Nakukuha pa talaga niyang tumawa. "Kaming mga tao?" I paused. "Bakit hindi ka ba tao?" naguguluhan kong tanong.
Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko alam."
Mas lalo akong natakot sa kanya. Napaatras talaga ako at muntikan pang mapatid sa sarili ko. Nagdarasal na ako sa lahat ng santo na kilala ko para iligtas ako sa estranghero na ito.
"Eh?"
Tumango siya. "Kaya ba ng mga taong magteleport at gawin 'to?" unti-unti siyang umanggat sa lupa na lalong nagpagulat sa 'kin. Gusto ko na lang mahimatay pero hindi nandidilim ang paningin ko. Hindi ako magaling umarte kaya mahuhuli ako at paano kapag nahimitay ako ay may masama siyang gawin? Hindi ko na alam kung anong gagawin!
This man looks like having fun showing his powers to me. Pero hindi ako natutuwa sa ginagawa niya. Hindi ko maintindihan kung talaga bang totoo o prank lang 'to! Wala namang tali sa likod niya at hindi naman ito shooting.
OMG! Ano ang nakikita ko ngayon? Anong klaseng nilalang ang nasa harap ko?!
Nawala ang malapad niyang ngiti. "Okay tama na nga." lumapat ang mga paa niya ulit sa lupa. "Mukhang natatakot ka lang lalo e."
BINABASA MO ANG
My Thirty-one Days
Mystery / ThrillerEmilia Vernice Cantinar, a simple girl and she considered her life a normal life like everyone. But it changed when she suddenly felt guilty about the tragic death of her classmate, a guy named Akiro. She wanted to have a chance to turn back time an...