Rumors
Mabilis na tumakbo ang panahon. Hindi ko akalain na 8 days na lang ang meron ako para mailigtas si Akiro. Pero kahit na ganoon, wala pa rin akong ideya kung may nagawa na ba ako para mailigtas siya. Lumipas ang mga araw na nag-iisip ako kung tama ba ang ginawa ko? Hindi naman siguro niya papabilisin ang pagkuha ng buhay niya? O kaya naman, nagbago na ba ang isip niya?
Kung pwede ko lang tanungin siya ng deresto, matagal ko ng ginawa.
After nung pag-uusap namin sa rooftop at iyong pagligo namin sa unan, hindi naman siya naging cold sa akin. Mas... mas naging close kami. He even accepted the protection my parent's offered for his family. Sa mga nakalipas na araw, doon ako halos dumalaw kina Akiro. Kung hindi ako sa bahay nila... doon naman ako sa store nila para kausapin siya.
Nagsasawa na siguro siya sa lagi naming bangayan kaya hindi niya na ako mataboy at dahil na rin siguro sabi niya hahayaan niya na ako.
Hindi na rin nagparamdam ang tatay ni Akiro. Marahil dulot na rin ng may nagbabantay at mahigpit na seguridad. Kaya lang, hindi naman palagian ang pagbabantay. Kahapon, natapos ang pagbabantay sa pamilya ni Akiro. Natakot ako dahil baka bigla na lang sumulpot ang tatay ni Akiro, nakiusap pa ako kay Daddy pero kailangan na daw munang itigil dahil may nakaalam na malayo na ito sa lugar namin.
"We still keep our eyes on him, anak," iyon ang laging sagot ni Daddy sa akin kahapon sa tuwing ipipilit ko na 'wag alisin ang taga-bantay nila Akiro.
Wala na akong nagawa dahil okay na rin naman kay Akiro.
Natapos na rin ang presentation ng tula namin. Matagumpay kaming nakagawa ni Akiro ng isang sagutang tula na talagang tumatak sa aking isipan. Hindi kami nagpakitaan ng tula, bigla na lang nagtugma ang mga salita na gusto naming ilabas. It came out naturally. I was amused that we created a masterpiece that I will keep even in my next life.
Nabigla nga ako na kami ang nakatanggap ng pinakamataas na grado kahit na hindi naman namin masyadong napaghandaan ang tula. Pero uulitin pa namin ang pagtula next week dahil sa competition for overall section. Hindi naman ako kasama sa pagtula dati, ganun din naman si Akiro.
Nilibot ko ang paningin ko sa store, maganda naman ang location nito pero hindi lang talaga masyadong matao.
"Ayaw mo bang ipa-extend 'yong nagbabantay sa inyo?" tanong ko kay Akiro.
"Mas gusto ko nga 'yon na wala na ang nagbabantay. Hindi kami sanay at para naman kaming artista o kung ano." natatawang komento ni Akiro habang inaayos ang ilang box ng mga bago nilang supplies.
Ugghhh... his smiles, I like it.
"Kahit na! Alam mo namang delikado ang tatay mo," giit ko.
Umiling siya.
"Pinagbigyan lang kita kaya ako pumayag. Alam ko kasi hindi mo ako titigilan. At ngayong alam na natin na malayo na naman si Papa, feeling ko naman wala na dapat ikatakot." sagot niya pero hindi sa akin nakatingin.
Ngumuso at tumango ako. Kahit hindi naman ito ang unang beses na nakita kong siyang tumawa simula nung mag-usap kami sa rooftop, namamangha pa rin ako.
Pero pinagbigyan niya lang ako? Tsss! Para naman 'yon sa kanila.
Tsaka pansin ko nitong nakaraang araw, ginagawa niya kung anong gusto ko.
Ah! Huwag mong isipin Emilia na may gusto sa 'yo si Akiro!
I mentally shook my head, cleaning my thoughts.
Nakangalumbaba ako sa isang maliit na lamesa sa store nila Akiro. Pinagmamasdan ko siya habang inaayos ang ilang mga goods.
BINABASA MO ANG
My Thirty-one Days
Mystery / ThrillerEmilia Vernice Cantinar, a simple girl and she considered her life a normal life like everyone. But it changed when she suddenly felt guilty about the tragic death of her classmate, a guy named Akiro. She wanted to have a chance to turn back time an...