7. Adrenaline Rush

2.7K 173 34
                                    

People always told me that I'm lucky to be a part of de Chavez clan. Lagi nilang pinamumukha sa 'kin na bragging rights maging anak ni Daddy sa labas. Na sa dami ng gustong maging de Chavez, naging isa ako sa kanila.

But that was a huge fucking lie. Being a de Chavez is a curse. I didn't live in any of the Echague or de Chavez's mansion. Nakatira lang kami ng nanay ko sa isang maliit na bahay na binili ni Daddy para itago kami ni Mama. Iniisip ng iba na lumaki akong maraming yaya gaya ng sa mga pinsan at kapatid ko, but little did they know, lumaki akong pinaghihirapan ang lahat.

Pumapasok ako sa school na naglalakad, sumasakay sa jeep, nakikipagsiksikan sa bus, nagmemeryanda sa tabi-tabi, pinagkakasya ang barya para pambili ng project at pagkain.

Kaya lahat . . . lahat-lahat ng meron ako ngayon, pinaghirapan ko 'yon. Walang de Chavez at walang Echague ang puwedeng manumbat sa 'kin dahil wala sila noong gumagawa ako ng pangalan ko. Kaya huwag na huwag nilang didiktahan ang buhay ko na parang sila ang nagpakahirap bumuhay sa 'kin matapos nilang sabihing disgrasyada ang nanay ko at walang lugar sa pamilya nila bilang kabit.

"Cinnamon, until now, makikipagmatigasan ka pa rin kay Tyrone?"

Ang sama ng tingin ko sa labas ng bintana ng taxi habang kausap si Tita Daisy.

"For sure, nilandi lang siya ng secretary niya. Sinabi naman niyang hindi niya mahal 'yon. He's not calling off the engagement. Intindihin mo na lang, hija. Alam mo namang lalaki lang si Tyrone."

Ang kapal din talaga ng lalaking 'yon. At talagang kahit si Shiela, nakuha niyang ilaglag, ha.

Isa pa 'to si Tita Daisy na enabler ng mga cheater. Kaya niloloko ng asawa niya, pati ako dinadamay sa kabobohan niya.

Hindi ako magpapaka-martir sa Tyrone Chen na 'yon. Mas gugustuhin ko na lang na mamatay kung sa kanya lang din naman ako babagsak.

"Tita, can you not justify Tyrone's cheating? Kung sanay kang niloloko, Tita, please lang, 'wag ako." Pinatayan ko na siya ng call kasi talagang ipipilit nila si Tyrone sa 'kin.

Malaking bagay para sa clan ni Lola ang Lion Fashion. Lalo naman sa company ni Tita Daisy kasi supplier ang pamilya ng mga tela. Kapag nga naman nagalit sa kanila si Tyrone, for sure, lilipat sa ibang supplier ng raw materials ang Lion.

Pero sawang-sawa na 'kong gamitin ng pamilya. They never see my worth as Cinnamon. They always see me as the disposable kid they can use in every emergency.

Buong araw, wala akong ginawa kundi kausapin ang lahat ng suppliers ng tela at accessories na kilala ko. I need to win the La Mari competition. Next month na 'yon. Ten days from now, matatapos na ang registration. Kailangan kong mag-register sa last minute na.

Nagkakaubusan na sila ng models sa catalog at ang dami nang nasa lineup mula pa kagabi.

Jomari is not the best model for me, pero siya ang sigurado akong malakas ang laban sa judging.

Jomari Lianno's condo was in the tower in Araneta. Sobrang layo sa Makati so I needed to adjust my schedule dahil sobrang traffic sa EDSA. Five in the afternoon na 'ko nakarating and his place was cozy pagtapak ko sa loob.

Nakakaamoy ako ng lemon sa paligid. Masyadong matapang para masabing air freshener lang.

"Good afternoon, Cinn."

"Yeah." Inilibot ko ng tingin ang loob ng condo niya. Mas maliit sa inaasahan. Mas malaki pa ang unit ko. Sa kanan ang kama niya, sa kaliwa ang maliit na dining area at pinaka-sala. May TV na nasa dingding na katabi ng dining area. At sa dulo ay ang kitchenette saka pinto ng banyo siguro.

A Designer's CreationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon