Noong junior designer pa 'ko, sagad kung sagad ang pagiging alipin ko ng mga senior and supervisor. Kapag tanga ka, tanga ka talaga. And what's worst? Ipamumukha pa talaga nila sa 'yo kung gaano ka katanga. I remembered one time, in the middle of the Goddamn night, I needed to search for a fabric mula Divisoria hanggang San Juan. I needed to make some private calls kahit sarado na ang opisina para lang sa mga tela. And imagine my anger after I went to work, malalaman kong may ganoong fabric pala sa stock at gusto lang akong pahirapan ng mga senior.
It was a bad memory. Hindi ko pinagawa sa mga under ko 'yon kasi alam ko ang hirap, pero yung ibang supervisor and senior fashion designer, mabubuwisit ka na lang kasi pinahihirapan ang mga junior nila.
Kadalasan, sila ang biktima ng mga criticism ko, lalo na kapag naglalatag na ng research materials and presentation na sa creative directors. Mayabang lang sila pero tamad ding gawin ang duties. And isa pang kalaban ng ibang junior designers ay mga supplier na kailangan ng referral ng supervisor at senior fashion designers. Hindi lahat ng suppliers, nagbibigay ng accessories or special fabric kapag walang referral.
If I'm not mistaken, kaka-promote lang ni Aurora as senior designer, pero bakit hindi siya sinu-supply-an ng rhinestones?
"Nakuha na ng store ang dress. Anong oras na? Alas-tres na. Late na late ka na sa release."
Napasandal ako sa upuan ko habang nakatingin kay Rory na halatang masama ang loob dahil na-release ang dress na dapat siya ang maglalabas pero hindi siya ang gumawa.
Ang lakas pa ng dating niya sa cover ng April issue ng Lion. Pero ngayon? Sobrang haggard niyang tingnan. Slick sana ang buhok niyang naka-ponytail pero kitang-kita ang mga baby hairs na nagtatayuan doon. Ni hindi pa siya nakakapag-retouch kaya tunaw na tunay na ang foundation niya at nude lipstick na lang niya ang naiwan. Buti nga, hindi pa marumi ang ladies' suit niya, sunny yellow pa naman.
As much as I wanted not to scold her kasi alam ko namang kung saang lupalop pa siya pumunta, I couldn't avoid it.
"One day na delay, alam mo ba kung gaano kalaki ang effect n'on sa production and sales?"
"I made a call with CG's Treasure pero hindi sila nag-release ng stones," she reasoned out.
"Promoted ka na as senior, di ba? Ano? Nagpapaka-trainee ka pa rin?"
"Hindi ko kasalanan kung hindi sila nag-release ng stones!"
"Deadline yesterday and the project was given a month ago! Don't you fucking tell me na hindi mo kasalanan kung hindi sila nag-release ng stones today! You have a fucking month to do that! Ano'ng ginawa mo? Tumunganga ka na lang?"
She moved her mouth to speak yet no words came out from her. She looked like she was about to cry. And don't she dare to cry in front of me, kapapasok ko pa lang ulit sa trabaho pero tatlong oras lang ang kinailangan ko para makapag-release ng dress na isang buwan niyang hawak!
"Hindi nga nag-release ng stones yung suppliers . . ." she insisted and tears started to flow on her cheeks na mabilis din niyang pinawi habang iwas ang tingin sa 'kin.
Natahimik na lang ako habang hinahayaan siyang umiyak diyan. Senior na siya, may karapatan na siyang mag-demand sa mga supplier. And yet, here she was, crying in front of me dahil lang sa punyetang rhinestones na ilang minuto lang, nakarating naman na agad dito sa building.
"Kausapin mo ang general manager, sabihin mo sa kanya na sa susunod na manghingi ka ng accessories, bigyan ka ng authorization sa mga supplier. Ang tagal mo na rito, parang wala kang natutuhan, a. Go out."
I hate it when our employees cry in front of me. Nabubuwisit ako na dinadramahan ako. Kung iiyak sila, dumoon sila sa hindi ko makikita at maririnig kasi walang lugar ang pag-iyak dito sa lugar ko. Kung mali ka, mali ka, tanggapin mo 'yon. Tatagan mo ang sikmura mo kasi sa labas ng opisina ko, di-hamak na mas marami pang nanlalamon ng tanga.
BINABASA MO ANG
A Designer's Creation
Romance(Under editing) Hindi kahit kailan naging masaya ang buhay ni Cinnamon sa poder ng sarili niyang angkan. Bawat kibot, kuwentado. Bawat salita, sinusukat. Kailangang manatili sa tuktok at pedestal para lang makamit ang respetong hinihingi niya bilang...