"Ma'am, saan ho tayo?""Sa Avila Towers, Manong."
Nilingon ko ang kalsada mula sa apartment building ng dugyot na lalaking 'yon. Hindi ako familiar sa location, so I guess, malayo 'to sa bar.
I tried to remember everything na kaya pang alalahanin ng utak ko from last night's event.
"Oh, shit." I rested my head at the back of my seat while keeping my eyes closed. Sobrang sakit ng ulo ko, parang pinipiga sa loob.
Nakatulong naman ang amoy ng usok at kape para hindi ko maisip kung ano ba ang magiging amoy ng bahay ng lalaking 'yon dahil sa dami ng kalat. Mabuti na lang talaga at hindi pa 'ko nagkaka-rashes.
Bigla akong napadilat.
"Jericho." That was the name.
He touched me. He changed my top so most probably he did.
Nagbigay siya ng indecent proposal, but he didn't look like the type na manghihipo or what. Ni hindi nga niya ako sinilip kahit nagbibihis ako kanina.
Rugged look siya. . . at mukhang pera. Mga tipo ng lalaking may masasamang intensiyon, at ipinagpipilitan ang "serbisyo" niyang wala sa lugar. Ang hirap tuloy magtiwala sa panahon ngayon. Lahat na lang ng tao, hindi mapagkakatiwalaan.
Bzzt. Bzzt.
Dinukot ko agad sa handbag ang phone kong tumutunog.
Wala namang nawala, kahit ang wallet ko, may pera pang laman. Nandito pa ang mga card ko at hindi rin naalis sa puwesto.
Sinagot ko na lang agad ang tawag. "Yes, Tita Daisy?"
"Pupunta ka naman mamaya, hija, right?"
Tumingin muna ako sa labas ng bintana ng taxi at pinanood na lampasan nang mabilis ang bawat building na dinaraanan namin. "Yes, Tita."
"Is Tyrone coming?"
My eyes rolled heavenwards and said cursed at the back of my mind.
"Tita . . ."
"I'll reserve a seat for him."
I tried to speak para sana sabihin na walang punyetang Tyrone na dadating mamaya pero ayoko na ng mahaba-habang usapan. Ang sakit na ng ulo, ayoko nang pasakitin pa.
Napahimas na lang ako ng sentidong kumikirot pa at nagbuntonghininga. "Sige po, Tita."
"Ingat sa biyahe, hija. Excited na ang lola mong makita kayong lahat na mga apo niya."
"Sige po, Tita. I'll end this call, mag-aasikaso na po ako."
Hindi ko na hinintay pang sumagot si Tita Daisy. I hate my shitty life.
"Manong, sa building na lang ng Lion Fashion."
"Okay po, ma'am."
I glanced at the car window, thinking about the reunion a.k.a. life-degrading meetup ko with my family. Alam ko namang nagkakaroon lang ng reunion sa pamilya namin para lang makita nilang lahat kung sino ang mga sira na ang buhay sa mga hindi. Malas ko lang kasi wala na 'kong magulang na makikipagtalo para sa 'kin.
Sinubukan kong tawagan si Tyrone pero unavailable. Ayaw ko sanang puntahan sa opisina but I've got no choice. I need to bear the unbearable.
♦♦♦
I don't trust men.
I might be the only child of my mother, but when it comes to my father side, ako ang pinakabata sa lahat ng anak niya—kung ilan man kami. I didn't have any idea kung ilan kaming lahat. Malay ko ba kung inanakan ng tatay ko lahat ng babae sa Pilipinas.
BINABASA MO ANG
A Designer's Creation
Romance(Under editing) Hindi kahit kailan naging masaya ang buhay ni Cinnamon sa poder ng sarili niyang angkan. Bawat kibot, kuwentado. Bawat salita, sinusukat. Kailangang manatili sa tuktok at pedestal para lang makamit ang respetong hinihingi niya bilang...