Fifteen hours. Ganoon katagal ang kailangan kong tiisin para lang makatapos ng isang buong suit nang mag-isa. Most of Tyrone's suit, ako ang dressmaker and designer. Team ko naman ang nag-a-assist sa 'kin sa pag-cut ng fabrics at pagtatahi ng ilang parte ng damit.
Hindi kasi lahat ng designer, hands on sa pagtatahi. May sarili talaga silang tailor. And since one of my task for Lion was to make a suit wearable for the executives, isa ako sa nagko-customize ng mga damit ng general manager namin. Pero sobrang rare kong makitang suot ni Tyrone ang mga suit na ginagawa ko sa opisina. Palagi kasi siyang naka-waistcoat and Armani. Not that I was questioning Armani pero nasa fashion industry din kami, of course he should wear our products.
Pero kompleto naman ang set ng designs ko sa closet niya—na hindi niya alam na kinalkal ko. Some of those suit, ang babango pa nga and neatly covered pa. Takot paalikabukan. But I don't want to meddle with his preference. Again, I made suits for him according to company rules, not because I want to.
Kung wala lang akong deperensiya ngayon, sa fifteen hours na 'yon, puwede pa 'kong matulog. If you're an expert in trimming fabrics—which I was doing for the past ten years of my life—sobrang dali lang makatapos ng isang suit within five hours of continuous work. Lalo pa, sa lagay na 'to, may premade designs na kaming naipasa sa La Mari for initial nomination.
We have to spend our first four hours preparing for our designs, thirty minutes break, another four hours for the second part, another half-hour break, and another set of the same time limits for the rest of the competition.
Mabigat ang tela. Good thing na ang mga general material, nasa likuran ko lang. Malapit sa puwesto ko ang mga mannequin, white polyester fabric, different colors of threads, needles, tape measures—everything. Wala kasi kaming ibang dala kundi mga sarili lang namin. Kaya nga every now and then, dinadaanan ako ng ibang designer kasi may mga napuputulan sa kanila ng karayom. Nakikita rin nila ang ginagawa ko—na wala rin akong pakialam.
Naubos ang apat na oras ko sa pagpapakahirap sa pagtatabas ng tela. Of course, sa tracing paper pa lang, ubos na ang oras ko sa paggawa ng line sketch. Kailangan kong sundin ang sukat ng katawan ni Jericho kasi ayokong maging lousy ang damit kapag hindi perfectly fit sa kanya. At gaya nga ng sabi ng doktor, mahihirapan akong mag-stretch ng braso at katawan. Inaantok tuloy ako sa kilos ko. Kaya ko kasing i-stretch basta dahan-dahan. Yung dapat natapos ko na within a minute, inaabot pa ng limang minuto.
Ayoko sanang mag-break kasi gusto ko talagang maagang matapos. Sabay-sabay ang lahat sa lunch time at maraming contestant ang nagmamadaling mag-break para makabalik sa trabaho. Maaga pa lang, sinabihan ko na si Tyrone na magte-take ako ng first break kasi talagang nangangawit na ang kanang braso ko, saka naiirita ako sa buhok kong nakalugay.
Paglabas ko ng activity area, sinalubong niya agad ako sa may exit habang may dala siyang tubig. May tubig naman kami sa loob pero hindi ko talaga iniinuman para hindi ako banyo nang banyo.
"How are you?" he asked while we walk toward his seat. He already bought foods na mukhang doon na rin niya sana kakainin. For sure, kung wala lang ako rito, mas pipiliin pa rin niyang mag-resto kaysa takeout orders.
"Pabili ako ng Salonpas," utos ko bago uminom.
"Already bought some."
Nilingon ko agad siya sa kanan ko habang nagdududa ang tingin ko sa kanya. "Bilis, a."
"I memorized all your complains, Cinnamon. Wala ka namang ibang reklamo sa 'kin kapag nagtatahi kang mag-isa kundi masakit ang katawan mo."
Well, yeah. Buti alam pa rin niya. Ang tagal na kasi noong nagtahi akong mag-isa na alam niya. Sina Ameiry kasi talaga ang nauutusan ko kapag mabigat na labor. Paghinto namin sa puwesto niya, humatak agad siya roon ng maliit na plastic saka inilabas ang dalawang pack ng pain patches doon galing Watsons.
BINABASA MO ANG
A Designer's Creation
Romansa(Under editing) Hindi kahit kailan naging masaya ang buhay ni Cinnamon sa poder ng sarili niyang angkan. Bawat kibot, kuwentado. Bawat salita, sinusukat. Kailangang manatili sa tuktok at pedestal para lang makamit ang respetong hinihingi niya bilang...