Never akong nakatapak sa bahay ni Tyrone. Kahit din naman siya, never nakatapak sa condo. Aside last time bago ako ma-kidnap at matamo lahat ng sakit ko sa katawan.
Tyrone Chen is a dual citizen raised in Manila kahit na palipat-lipat ang parents niya from Philippines to Beijing and Hong Kong para sa family business nila. Bihira kong makitang buo ang mga Chen. Sobrang busy nila na kahit si Tyrone, hirap silang i-meet annually. Sa sobrang busy nila sa pagpapayaman, kahit nga yung issue ko, hindi na nila pinansin.
Though, Ty wasn't that typical millionaire kid who earned his money just because his parents are already rich. He worked hard for it. Masyadong strict din ang parents ni Ty na tipong kapag hindi siya kumilos, wala siyang mapapala sa kanila. At some point, we had the same experience when it comes to achieving our parents' dream. Ang difference lang namin ay masunurin siyang anak.
Never kong narinig na umasa siya sa parents niya when it comes to financial support unless they gave it to him as a child support, kasi nakakatakot manermon ang papa niya kapag usapang pera-pera na. As much as possible, Tyrone should earn as much as they do. Or if not, at least he knows how to earn money as much as they know. May expectations pa rin naman, and he was supposed to marry a Chinese girl as well kasi culture and tradition nila 'yon. Kaso mukhang may inilakad yatang malaking deal si Daddy para sa mga Chen at ginawang pambayad si Tyrone nang hindi namin nalalaman.
After all, that time na hindi pa 'ko pinapanganak, hindi pa legally registered ang domestic subsidiary ng Li-Shang sa Pilipinas kasi ilang beses nang hinarang ng Securities and Exchange Commission dahil nga hindi Filipino citizen ang owners at wala ring permit that time. Tourist visa lang ang meron sila and hinihingan sila ng investor's visa or working permit man lang. Si Daddy ang naglakad nito at may shares din siya sa Li-Shang na nasa pangalan ko na ngayon.
Upon thinking about it, ang naging solution yata nila ay gawing Filipino citizen si Tyrone kaya rito siya ipinanganak so he could manage the branch here in the Philippines kahit na nasa China ang mga Chen. Ito ang sigurado ako kasi ito ang dahilan kaya kami nagkaroon ng engagement.
That made sense, though. At least, si Tyrone hindi na hihingan ng marami pang visa para lang makapagtrabaho sa bansa. Para silang nag-anak lang para may tagabantay ng business nila rito.
Hindi ko alam kung malulungkot ako for Tyrone o matatawa na lang kasi kumpara naman sa 'kin, at least naalagaan ako ni Daddy at napalaki naman ako ng mama ko. Stressed nga lang sila sa 'kin. Si Tyrone, tita niya ang kasama niya rito sa Pilipinas. Dinadalaw naman siya ng parents niya, pero tinataon sa business trips, so ewan ko na rin kung may sense ba ang pagdalaw nila sa kanya.
Tyrone's house was located in an exclusive subdivision in Taytay, near San Beda College Rizal. Medyo malayo nang ilang kilometro sa hospital at mas malayo sa condo ko—sobrang layo at kailangan ko talaga ng kotse para makaalis.
He lived in a single-story house with three bedrooms, two bathrooms, and two garages. Sobrang lawak ng lote sa paligid, and may enough space pa para magtayo ng tennis court or garden sa buong yard. Too huge for a single person living alone.
Hindi naman sa stereotypical or racist ako sa mga gaya ni Tyrone since he's Chinese na may strict na pamilya, at inaasahan ko na masyadong Chinese, red-and-gold theme, or with dragons or jade sculptures ang bahay niya, but the whole vibes of the house were more of darker, mysterious feels.
The style was contemporary. Black and red brick were the exterior's wall. Mula sa labas, makikita sa loob ng glass wall ang great room na katabi ng master's bedroom. So if ever he was making out with his side chicks, may libreng live show na ang mga kapitbahay niya. Although, I haven't seen any house near his, but malay natin, may dumaan.
BINABASA MO ANG
A Designer's Creation
Romance(Under editing) Hindi kahit kailan naging masaya ang buhay ni Cinnamon sa poder ng sarili niyang angkan. Bawat kibot, kuwentado. Bawat salita, sinusukat. Kailangang manatili sa tuktok at pedestal para lang makamit ang respetong hinihingi niya bilang...