23. Broken Memories

2.2K 135 24
                                    


Ang nearest restaurant sa building ng Lion ay 500 meters away pa, so we rode in Gold's Peugeot SUV and ate in an Italian restaurant.

Kanina pa ako kating-kati na tanungin 'to si Jericho tungkol sa sinabing asawa ni Gold kaso hindi ako makasingit.

Medyo madilim sa buong resto kahit tanghaling-tapat. Everything was wooden and old feels. Naghalo ang liwanag mula sa labas at yellow lamps sa loob para sa warm ambience. The whole place smelled like baguette, pasta, and champagne. There was a bar counter near us at sa tabing pinto n'on lumalabas ang mga nagse-serve ng pagkain. Magkatabi sina Gold and Echo at kaharap naman nila ako sa four-seater table na may white linen cloth.

Inoobserbahan ko lang silang dalawa and it looked like Marigold was used being clingy to Jericho. Yayakap, ipapatong ang baba sa balikat ni Echo para magpa-cute, susukatin ng maliit niyang kamay ang malaking palad nito—para siyang pusang nanlalambing. Yung masarap sipain kasi mapang-abala.

Jericho really knew the services kasi may mga pagkakataon na pinupulis niya ang mga dumaraang waiter at sinasabing may mali sa apron, awkward ang paghawak sa tray baka mabitiwan, and if there were girls who carried heavy plates, inaalalayan niya o tumatawag siya ng ibang waiter para mag-assist.

Sobrang keen niya sa details na gusto ko na ngang awatin kasi feeling ko—at malakas ang kutob ko—na kapag natahimik kami sa mesa, magtatanong ako ng tungkol sa "asawa" niya. So I guess, he was making his actions an excuse to explain his side.

Pagkarating ng order naming hindi ko alam kung mauubos ba namin, saka kami tumahimik. We had clam chowder, alfredo lasagna, fried chicken platter, blueberry cheesecake, red tea, and mashed potatoes.

Ilang minuto rin kaming hinainan ng pagkain namin kaya pagkaalis ng servers, tiningnan ko agad silang dalawa. Ang classy gumalaw ni Jericho—or mas tamang sabihing ang smooth niyang gumalaw kaysa kapag kumakain kami sa bahay. Di ako sigurado kung binabagay ba niya sa lugar ang kilos niya o ano, but if ever he was doing that because we were in a fine dining restaurant, then he was good at his etiquette.

Saka bakit ko ba iniisip 'yon e nasa hospitality services siya? Lahat nga pala ng etiquette sa dining, dapat alam niya.

"Echo, try mo 'to. Parang masarap."

"MT, easy ka lang."

Ayaw mawala ng masamang tingin ko kay Jericho habang kumakain kami at pilit siyang sinusubuan ni Gold.

Marigold wasn't that serious type of lady and she was always the sunshine of the floor, pero sobrang clingy niya talaga kay Jericho, nagiging annoying nang tingnan.

"So!" I said in my high-pitched voice which caught their attention. I looked at Gold na nagulat yata sa pagtataas ko ng bgoses. "Hindi kasi nabanggit sa 'kin ni Mr. Iglesias na may asawa na pala siya. Friend kayo ng wife niya?"

"Ew!" sagot agad ni Gold na nakapagpaatras ng mukha ko. "Girl, makikipag-friend na lang ako sa hold-upper kaysa maka-close siya." Napatingin agad siya kay Jericho na napapahilot ng sentido gawa yata ng frustration. "Kalat na sa org na regular customer ng casino si Alleli, and they're looking for you, Echo. Hindi pa rin ba niya pinipirmahan yung annulment papers?"

"Sabi ko na, hindi mo siya mapipilit." Tamad na tamad si Jericho na tinulak-tulak ng tinidor ang laman ng plato niya.

Biglang hininaan ni Gold ang boses niya kaya bahagya akong lumapit sa mesa para makinig sa bulungan nilang dalawa.

"Nag-offer na si Peach na ipapa-pull out na lang sa tito niya yung record n'yo. Ayaw mo ba?"

"Baka kasi manghingi ng pabor. Alam mo naman si Peachy."

A Designer's CreationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon