17. The Supervisor

2.4K 134 9
                                    

♦♦♦

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

♦♦♦

Sa branch ng Lion Fashion sa Metro, lima kaming senior fashion designer na may kanya-kanyang market na kine-cater. Sa children's apparel, dalawa ang designer na nagha-handle ng design team for store selling. Isa para sa infants and isa para sa toddlers. Naglalabas ang Lion ng high-end clothes for celebrities or elites' children, especially those personalities na ayaw pagsuotin ang mga anak nila ng damit from local department stores. 

Walang problema sa releasing ng children's apparel kasi maganda ang organization and teamwork nina Luciana at Quinnie for monthly releasing ng designs.

Ang nagkakaroon ng problema mula noong umalis ako, sa men and ladies' apparel. Tatlong team under ng Lion Fashion ang kailangang i-handle ng tatlong senior fashion designer. Since nalipat na ng ibang branch si Auburn, ako na lang ang natitirang tenured sa team namin before. And compare to Valeri and Beth's skill set and expertise, di-hamak na mas broad ang sakop ng skill set ko since I explored different genres and style for more than a decade.

Noong nawala ako after my suspension, na-promote si Aurora bilang kapalit ko yata. Under siya ng team ni Beth pero minsan na siyang nag-intern under ng supervisory ko.

Aminado naman akong may talent siya, pero hindi siya marunong makinig sa criticism. Even her computer-aided designing skills, basic na basic lang. Her managerial skills was not that good, and as a senior fashion designer na required ang managerial skills, hindi talaga siya qualified for the position. She wasn't even a team player kasi ayaw niya nang pinupuna siya. Bossy siya at gusto niyang palaging nag-uutos, but when it comes to receiving feedbacks, kung ano ang gusto niya, iyon ang sinusunod niya. No wonder na creative directors lang ang kayang mag-reject ng designs niya kasi kung tumatanggap siya ng criticisms from the other designers, hindi na sana siya aabot sa ganoong point.

I was supposed to go to Sip and Drip by half nine. Sad to say, kailangan kong i-orient ang team ko na babalik kami sa production this week para mahabol ang mga pending seasonal clothes na hindi pa rin nalo-launch until now dahil sa napakaraming rejections. I had no other choice but to ask someone to buy me my breakfast habang nagga-guide ako sa mga juniors and trainees ng design team ko for CAD (computer-aided design).

As much as possible, gusto kong maging expert sila sa hand-sketching and computer designing kasi mas marami kang skill set traditionally and digitally, mas malaki ang opportunity mo para ma-promote agad.

The higher your mastery, the more chance to have a better position in the field. Ito ang lagi kong nire-remind sa kanila na kahit anong sikat ng pangalan mo, dapat maganda ang foundation mo sa ibaba.

Kasi nasa mundo kami na maraming inggitera. Hihilahin at hihilahin ka ng mga utak-talangka. Once na may humila sa 'yo pababa, kapag wala kang skills, wala kang mapapala. However, kapag nakaipon ka ng maraming skills habang maaga pa, kapag ibinato ka sa kung saan, tutubo at tutubo ka kasi you know where to begin. You know how to grow all by yourself. You know how to build yourself from nothing kasi alam mo na ang proseso ng lahat mula sa simula hanggang sa itaas at hindi mo kakailanganin ng ibang matibay na pundasyon kasi ikaw mismo ang pundasyon.

A Designer's CreationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon