29. Loyalty

2K 132 40
                                    


"Ano ba'ng mapapala mo diyan? Kung nag-take ka ng accountancy o ng pre-law courses, e di sana maganda na ang buhay mo ngayon?"

Parang sirang plaka na paulit-ulit kong naririnig sa loob ng utak ang mga salita ni Tita Dahlia sa 'kin bago pa 'ko sumikat bilang si Cinnamon.

Everything. My passion, my eagerness, my hope to be the best—lahat, parang unti-unting natutunaw sa kawalan because of what's happening.

Magtatagal pa dapat si Tyrone sa Iloilo para ayusin ang gusot na napasukan ko dahil sa Lion at sa mga hangal na na-encounter ko these past few months, but I was shocked when he said that the Board was suspending him from his duty and he gladly obliged.

I mean, if I were him, I would do everything to change their mind about my suspension. General manager si Ty ng branch. Sa gulo ng branch namin ngayon, mas lalo siyang kailangan ng Lion. Tyrone Chen knew how to fix everything when it comes to company-related conflicts. Pagkatapos niyang mawala noong unang beses na sinabi kong maghiwalay na kami, wala ni isang nag-akalang siya ang magiging pinakabatang general manager ng Lion.

Although, aminado naman akong may karapatan siya. Of all people, kapag usapang management, hindi sila nakarinig ng masamang salita sa 'kin about Ty. I wasn't bragging him as my fiancé, but most of the time, I was telling people that I knew Ty as someone I could rely on kapag nagkakahatakan na ng koneksyon.

Pinasabay ko na siya sa jet pabalik sa Manila para hindi na namin kailangang magpa-book pa ng flight na pagkatagal-tagal. He was sitting across my seat facing me and he was chill like nothing happened in Iloilo.

"Two weeks din ba ang suspension mo?" tanong ko habang nagtatalo kung saan ba unang titingin, sa kanya o sa laptop kong puro tanong sa screen kung anong nangyari sa main branch.

"They will decide about that. Padadalhan na lang daw ako ng memo thru email."

"Tapos parang wala lang sa 'yo?" sarkastikong tanong ko. "Suspension 'yon, Tyrone Chen. Kapag naging maganda ang performance ng branch habang wala ka, puwede ka nilang tanggalin sa posisyon mo at ibigay sa papalit sa 'yo."

"I see no problem with that."

Magta-type na sana ako pero natigilan ako at takang-taka na kinunutan siya ng noo.

Sobrang chill ni Ty ngayon, iisipin ko nang sinasadya niya ang lahat.

Ibinagsak ko ang likod sa inuupuan ko at nagkrus ng mga braso. Hindi ko naiintindihan ang gusto niyang mangyari.

You did everything to be in your position and to keep it that way for almost a decade, and in an instant, ang maririnig ko lang, "I see no problem with that" mula sa kanya?

"Tyrone, this is your job. Walang ibang makakahawak nito kundi ikaw lang," mariin kong paliwanag sa kanya. "Ano na lang ang sasabihin sa 'yo nina Tita kapag nawala sa Lion? Mag-isip ka nga!"

He chuckled a bit and glanced outside the small window of the aircraft. I badly wanted to kick him right now because he looked like he was enjoying our loss!

"General manager lang ako sa branch ng Lion, Cin. Once I declared I'm no longer a part of Lion's hierarchy, I'm sure na magse-celebrate pa sina Mommy."

What?

Nagbuntonghininga lang siya at kinuha ang phone. "They will ask either Walter or Rayzee to temporary handle my office while I'm away. I'll check up on Ted's office if they're open for sponsorship."

"Aanhin mo ang sponsorship? Magpapa-sponsor ka?"

"Ako ang magi-sponsor."

"Para saan?"

A Designer's CreationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon