16. Love and Hate

2.6K 146 12
                                    

I was thinking about Jericho's words about us. Emotionally attached ako sa kanya ngayon, pero sa commitment . . . hindi ko rin alam kung interesado pa ba ako sa commitment. Tyrone is still my fiancée, and he doesn't have any plan to cancel that in any way possible. We both hate each other, but we're trapped in this situation because of our families.

Hindi ko rin kayang panindigan kung sakali mang manghingi si Jericho ng higit pa sa kung ano kami ngayon.

He was right. Much better if we'll stay as friends. 'Yon lang ang kaya niyang i-offer, iyon lang din ang kaya kong ibigay. After all, sa aming dalawa, ako ang taken na.

Another night was spent with him and he slept beside me. I found my peace in him and he was fine with our current setup . . . as friends. Nagising siya ng madaling-araw, he kissed me goodbye while I was half asleep and I woke up in the morning with a smile.

I was starting to get used to it. Once nag-agree siya sa offer kong maging model, I needed to start my planning for La Mari. And when I started to work, walang puwedeng umistorbo sa 'kin, and that means I needed to be alone for at least ten days to two weeks for manual tailoring.

Tingin ko, hindi talaga sanay ang Lion na pumapasok ako nang naka-dress. Although, hindi rin ako sanay since I always wore a coat, slacks, and boots, but . . . gusto kong mag-dress kahit ngayong week lang. I wore a tea-length white bodycon dress na deep V neck-line na may manipis na strap. Every time na uma-attend ako ng fashion week or gala, sanay akong nagpapakita ng kaunting balat—well, hindi kaunting balat. Kaunting tela lang ang panakip sa katawan ko. But when I work, as much as possible, balot na balot ako. At least man lang ngayon, maramdaman kong may taong nagagandahan sa ayos ko. Naglugay lang ako ng buhok at nagsuot ng pearl earrings. Manipis na eyeliner and red lipstick lang naman ang bumabagay sa ganitong ayos ko, and that was much better since ayoko rin nang oras-oras nagre-retouch.

I went to Lion Fashion early in the morning—seven to be exact. Maaga ako nang one hour kaya nagulat ang guard na sobrang aga ko sa building.

Wala akong kasabay sa elevator. Ganitong time kasi, ilan lang ang nasa 7 a.m. shift. Mostly, mga tailor sa third and fourth floor. Ang mga managers and executives, 8 onwards ang pasok. Mas malala ang mga executive kasi madalas, wala talaga sa kanila ang nagpapakita sa premises. But that was fine since marami silang meeting outside Lion.

Si Tyrone, ang meeting niya, madalas sa building ng Lion. Lumalabas lang siya kapag may meeting sa main branch ang mga branch manager for monthly, quarterly, and annual reports. Or kapag may meeting ang mga board at kailangan nilang um-attend.

Whether I like it or not, I needed to coordinate with Ty kasi sa kanya pa rin ang final approval ko ng mga gagawin.

Pagtapak ko sa design area sa fifth floor—design area ko, napansin ko agad na ang linis ng paligid. Kapag may naiiwang trabaho ang team ko, naiiwang makalat itong design area. Ayokong palinisan sa mga housekeeper kasi madalas, nagkakawalaan ng mga stone saka mga customized needle. Malinis ngayon, ibig sabihin, wala talagang gumamit nito mula nang mag-AWOL ako.

Kung gaya ako ng ibang designer na asa nang asa sa assistant, for sure na 9 in the morning pa ako papasok. But nope. I paved my way where I am right now, at hindi uso ang katamaran sa 'kin pagdating sa trabaho.

Kumuha agad ako ng mannequin at hinilera sila sa may dulo ng deisgn area.

I customized this place para madali akong makakaikot. The whole working area was as huge as a full tennis court, and may dalawang mahahabang table sa magkabilang gilid. May nakaharang namang malaking shelf na kita naman ang kabila kahit sa kaunting siwang lang katapat ng pinto at may kurtinang itim doon kasi ayoko ng may pumapasok at nakikita ang ginagawa namin. Kapag bumukas ang pinto, mag-iingay 'yon, maalerto kami, saglit kaming titigil sa ginagawa.

A Designer's CreationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon