I hate people, I hate society, I hate the world. At sa alak lang ako nakakahanap ng peace of mind, makalimot lang kahit saglit sa lahat ng stress ko sa mundo. Iyon nga lang, maliban sa masakit sa taingang bass ng tumutugtog na Love Yourself, napakahirap talagang makahanap ng peace of mind kapag kaharap siya."Akala ko, hindi ka na babalik." Inilapag niya sa harapan ko ang baso ng rhum na pinagpapawisan gawa ng lamig. Pakialamero talaga.
Saglit akong sumimsim sa baso, pinahagod sa dila hanggang lalamunan ang kataka-takang init na gawa ng malamig na alak.
That's the irony of life. You wish for comfort, fate gives you hardships. Life is not a bitch. Life is the fucker who fuck us up, and we're the bitch who pleasures the pain it gives.
Pagbaba ko ng baso, nakita ko ang maugat niyang mga kamay na nakapatong sa bar counter kaharap ko. I was expecting for a word from the man who owned those silver rings in his thumb and ring finger.
"Maayos kang tingnan ngayon."
"Will you stop talking to me?" I said in annoyance, giving him glares I already served in front of my own clan.
"You look like someone that needs a friend or someone to talk to," he said, full of confidence, showing his complete set of white teeth while grinning. And damn those teeth, parang nilihang mabuti ng dentista para pumantay ang malalaking ngipin. If toothpaste company sees this man, for sure, I'll be seeing his face on every television and billboard nationwide. Iyon nga lang, napakarungis talaga ng mga tattoo niya sa katawan.
I almost forgot what he just said, nakaka-distract ang ngisi niya.
"Stop . . . talking to me." I hesitated to speak to him. I freaking hate my mind. His smile lost my thought for a moment. I kept my glare, and I think I did a wrong move on that. His brown eyes were full of happiness—something I hate to see. How can he be happy in this cruel world? May nakakatawa ba? May masaya ba? Kung meron, saan? Anong dahilan? Paano?
"Saglit lang," nakangiti niyang sinabi at nagtaas ng hintuturo. Nagsalin siya ng alak sa bagong baso at ginawa na ang dapat niyang trabaho rito sa club—ang maging bartender.
I'm sure he's not a bad man. Mukha siyang pera but I doubt that he's someone na gagawa ng hindi maganda agad-agad. Pinasadahan ko siya ng tingin. Nakatali ang buhok niya sa tuktok ng ulo. Hindi naman mahaba 'yon pero sapat na para maitali. His hair was ash-colored and it looked dry and lifeless. I'm a fan of healthy hairs, maganda kasi ang rehistro sa camera. O kahit pa dyed, ayoko ng tuyot. Malapad ang balikat niya, lalampas nang kaunti sa kalahating dipa ko.
Bakit ba hindi pumipili si Howard ng mga model na may ganyang kaha?
Bagay naman sa lalaking 'to ang suot niyang muscle shirt. Gusto niya yatang ibinabalandra ang bisig niyang binusog ng gym. Sumisilip ang dibdib mula sa malaking hiwa sa manggas patagos sa kili-kili hanggang tadyang. Kung maghahanap ng modelo si Amber, malamang na pag-iinitan niya 'to.
"Nasaan na pala tayo?"
Nag-angat ako ng tingin at kinatagpo na naman ang nakangiti niyang mga mata.
"Ngayon lang kita nakita rito sa Mott's," sabi ko at itinaas ang baso kong nangalahati na ang laman. "Kailangan ka nila kinuha?"
Umangat ang kanang dulo ng labi niya saka umiling at dumampot ng isang martini glass sa ibaba niya. "Hindi ako regular. Aalis din ako pagkabalik ng dating bartender dito." Naghalo siya ng alak at mabilis na sinalin ang laman n'on sa martini glass saka matamis na nginitian ang customer niyang hindi ko na inabala pang tingnan.
"Kailan ka aalis dito?" tanong ko at umurong paharap sa counter, ipinatong ang mga braso ko at para ipakitang nagkakainteres na ako sa kanya.
"Most awaited moment mo ba ang mapalayas ako rito? Ang bad mo naman, boss," biro niya sabay ngiti nang matamis sa bago niyang customer na paroo't parito sa kanang tabi ko para pagsilbihan niya.
BINABASA MO ANG
A Designer's Creation
Romance(Under editing) Hindi kahit kailan naging masaya ang buhay ni Cinnamon sa poder ng sarili niyang angkan. Bawat kibot, kuwentado. Bawat salita, sinusukat. Kailangang manatili sa tuktok at pedestal para lang makamit ang respetong hinihingi niya bilang...