Epilogue

3.9K 187 69
                                    


Sabi ko noon sa sarili ko, kung sakaling mangailangan man ako ng lalaki sa buhay, ayoko ng permanente. Kasi paulit-ulit lang naman ang nangyayari. Kahit mag-commit ka, ganoon pa rin sila, hindi maiiwasang mambabae.

But cheating is always a choice . . . and so is staying loyal. You have your freedom to choose what you think is good for you kahit pa hindi siya morally accepted para sa lahat. And not because you think it's good for you, it means it's good for everyone.

Tyrone and I had a rocky relationship, and we started bad—worst, actually. Hindi siya romantic setup gaya ng iba. Something na hindi ko rin gugustuhing ikuwento sa iba kung sakali mang ipakuwento ang love story namin. Because after all, we didn't start as lovers with dreams of a better future. We started in an empty place and our goal is to fill that emptiness with love. Unfortunately, we spent our years with hate. Doon lang umikot ang relasyon namin. We were pushing each other's limit hanggang umabot kami sa boiling points namin. Hindi siya ideal. Sobrang toxic.

Something na kung hindi kami kilala nang lubusan, either they will hate Tyrone kasi babaero siya, or they will hate me kasi self-centered ako.

But it's high time for us to stay in one place, with one person. We've already seen each other's worst at hindi ko na alam kung may worst pa bang ilalabas ang mundo para ibangga sa 'ming dalawa ni Tyrone.

That feeling na nakakapagod na ring paulit-ulit naming tinataboy ang isa't isa kahit na umuuwi pa rin kaming dalawa sa iisang desisyon kada bigay namin ng dahilan para hindi nga kami dapat magsama.

Para ngang tiyan. Kapag nasa ibang lugar, namamahay.

I hate Tyrone.

It was easy for me to say I hate him than to say I love him. And I was afraid that if ever I said that, baka bigla na lang siyang mawala kasi parang na-achieve na niya yung goal ng habulan namin.

Everything . . . lahat ng sinasabi niya, lahat ng ginagawa niya na sa tingin ko, sobrang bobo talaga . . . lahat ng 'yon in an instant, it all made sense to me that moment I opened up to him.

"Scam yung translation ni Facebook," sabi ni Jericho habang nag-aayos kami ng mga display pagpasok na pagpasok niya ngayong Monday.

"Bakit mo nasabi?" tanong ko naman habang naglalatag ng sheer cloth panlagay ng accent sa dingding katabi ng mga mannequin.

"Nagpa-translate ako kay Forest n'ong nasa post ng boyfriend mo, malayo pala yung translation ng ibang words. Pangit kausap ng auto-translate hahaha!"

Napapailing na lang ako kay Jericho. Pero totoo rin, ang OA ng translation sa FB. Synonymous naman ang meaning pero ang layo sa exact words na ginamit.

"E di tuloy pala yung kasal n'yo." Napasulyap ako sa kanya habang hinihilera niya yung mga mannequin sa may glass wall.

Hindi ko napigilang mapangiti bago tumango. "Yeah. This time, sure na."

"Sa wakas! O, di ba?" Nagpagpag siya ng kamay saka nagpamaywang habang nakangiti sa 'kin. "Kahit anong punta mo sa malayo, sa kanya ka pa rin pala babalik."

"True. Di ko rin ine-expect. Ang dami ko rin kasing naging fling." Natawa na naman ako nang mahina. "Akala ko nga noong una, kahit ikaw, umasa rin akong baka puwede tayong dalawa. Pero slight lang naman."

"Cinn, alam mo kaya noong una pa lang, nag-warning na 'ko sa 'yo, ganito kasi 'yan . . ." Lumapit siya sa 'kin tapos inakbayan ako. "Na-realize ko lang 'to n'ong nagpakasal ako. Na di lahat ng makikilala mo, siya na. Kasi di naman porke pinagtagpo kayo, kayo na rin yung itinadhana. Hindi ka puwedeng laging mag-rely sa gan'on. Puwede kang kiligin ngayon, pero hindi naman puwedeng puro lang kilig habambuhay. Harsh yung mundo e. May times na walang kilig. May times na wala talaga, lugmok lahat. And what if wala na yung kilig? Saan na kayong dalawa? Di ba? Madaling ma-fall sa tao. Pero madaling magsawa kapag nakikita mo na walang naggo-grow sa inyo."

A Designer's CreationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon