34. Will to Live

1.9K 126 15
                                    


One week din ang itinagal ko sa ospital pagkatapos payagan sina Tyrone na bumisita. Paminsan-minsan, dumadalaw ang mga kapatid ko. Pinagsasabay na nila na dalawin ako at kausapin si Tyrone.

Kapag sinasabi ni Tyrone dati na kaya ayaw niya akong hiwalayan ay dahil alam niya ang kayang gawin ng pamilya ko, alam ko naman ang tungkol doon. Pero sa nangyari sa akin, dito ko nasukat kung ano ang kaya nilang gawin nang hindi pa nila ginagawa ang lahat-lahat ng kaya nila.

Pito sa mga kapatid ko ang abogado. And imagine facing seven lawyers who know how to bring anyone down. At inisip ko na lang na mabuti't wala na si Daddy, because like what Archimedes de Chavez said, "No one will ever dare touch even the tip of the finger of Proserpino de Chavez's children."

Nasa labas sila nina Tita Daisy, doon sila nag-uusap-usap. Ang sabi ng nurse, natutulog ako kaya huwag muna silang papasok. Pero sa ingay nila roon, imposibleng hindi ako maistorbo.

And yes, they were chatting like how they talked during our family gatherings.

"Sinabi ko na kasing lumayo sa mga ganyan, hindi nakikinig," Tita Dahlia said, and her voice was too thin na ang sakit sa tainga ang echo sa hallway.

"May sinabi na ba ang mga Chen tungkol dito?" si Tita Daisy na parang nagbukas pa ng pamaypay. Pero hindi naman mainit dito sa ospital, may air con naman.

"Ang sabi ni Tyrone, hindi naman daw nagalit ang mga Chen kay Cinnamon. Makikipag-coordinate din sila sa pagpapatagal ng kaso ng Lianno na 'yon."

"Ay, naku! Mabuti na lang at nasa langit na si Kuya Ping! Ayoko nang maulit ang nangyari noon sa Fred Cervantes na 'yon, ako ang nasi-stress! Yung wrinkles ko, lalong nadadagdagan!"

"Mabuti lang sa kanya 'yon! Kung hindi magsusumbong 'tong si Tyrone, walang sasabihin yung bata sa ama niya. Napakatigas talaga ng ulo!"

"Dada, ipagpasalamat na lamang natin na buhay pa si Cinn at wala na rito si Kuya Ping. Por Dios por Santo, Ina ng Awa, kahit impyerno, babaligtarin ni Kuya Ping para lang sa anak niya. Ako ang kinakabahan kay ako ang hahawak ng mga dokumento niyan."

"Ayan, sa dokumento ka na naman. 'Ka mo, magpasalamat ka at buhay pa ang pamangkin natin dahil hindi pa siya nakakapirma sa mga dokumento ni Kuya Ping. Kung natuluyan 'yan, wala ka nang matitirhang hacienda ngayon. Alam mo namang kalahati ng mansiyon, kanya."

"Tumahimik ka nga, Dada! Intrimitida ka talaga. Hindi naman kinukuha ni Cinnamon ang mana niya. Kaysa mapunta sa bangko, mabuti nang sa atin na mailipat."

This wasn't the first time I heard them talk about my father's last will and testament.

Si Daddy ang bumawi sa lahat ng utang na meron ang mga Echague kahit pa hindi paboritong asawa ni Lola Ning ang tatay ni Daddy, si Proserpino de Chavez II. Kaya nga sa tingin ko, kaya naging paboritong anak si Daddy ni Lola Ning, kasi kahit hindi gaanong minahal ni Lola yung tatay ni Daddy, nag-pursue siya para ma-please si Lola. Siya ang nag-redeem ng lahat ng properties at assets ni Lola para maibalik sa mga Echague.

Yung hacienda, yung mansion, yung farm, lahat.

I guess, fair din naman na mapunta iyon kay Daddy kaysa mga kapatid niyang mga gahaman. Mautak din si Daddy, sa kanya niya ipinangalan ang lahat ng nabawi niya. But I dunno kung gaano siya ka-mautak para ipamana sa 'kin ang halos lahat at wala nang itira sa mga kapatid kong sugarol. For sure, bago siya mamatay, alam na agad niya kung sino ang pinakagastador sa mga anak niya at sino ang hindi.

I'm not yet dead pero nagpaplano na sila ng gagawin. Kaya nga ayoko sa kanilang lahat.

A moment later, tumahimik na rin sila pero may naririnig pa rin akong bulungan.

A Designer's CreationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon