11. Weird as F/ck

2.6K 164 32
                                    

Hindi naman ako ignorante sa pakikipag-date. Nabubuwisit ako sa mga lalaki pero aware naman ako kung paano sila pakikisamahan intimately. However, medyo kakaiba lang si Jericho sa mga na-encounter ko na before. Probably because we were not really into the idea of having a relationship kaya nagkakapaan pa.

Supposedly, gagawa dapat ako ng designs for La Mari tonight. Wala sa forecasted schedule ko from this year until next year ang lumandi. But here we are.

"Hindi ako mahilig sa mga dress, pero nakakapag-design ako ng murals and paintings."

I was cupping my chin while watching him draw on my sketch pad. And I must say, he really do arts. Magaan ang hawak niya sa Staedtler pencil. Alam din niya kung anong shade ang gagamitin. He was doing a sketch of a girl posing beside a bridge. Hindi pa siya tapos pero maganda na ang result.

"Hindi mo pinursue ang arts?" tanong ko. "You're good."

"Undergrad ako ng interior designing. Hindi ko natapos kasi nag-shift ako ng hotel and restaurant services. NC II passer naman ako sa bartending saka mas malaki ang kita roon. Nagpa-part-time ako sa pagde-design ng mga interior sa mga establishment. Pero on-call 'yon. Ilan lang ang nakakaalam na nagde-design ako. Binabarat kasi ang mga artist dito, lugi ka sa materials pa lang."

"Mahal ang bayad sa mga artist. Wala ka lang sa tamang field."

Hindi siya sumagot. Saglit siyang natawa habang tinatapos ang pinagawa ko sa kanyang sketch. I said babayaran ko ang sketch niya and he agreed. Hindi ko nga napansin ang oras, kanina pa kami nakatambay sa may center table at nakasalampak sa carpet.

Hinayaan ko siyang humiram ng shirt and shorts na meron ako sa condo. Those clothes were supposed to be my gift for Tyrone kasi pinipilit ako ni Tita Daisy na bumili ng pang-gift sa kanya kapag nagpapasama si Tita sa mall kaso hindi ko ibinibigay kasi gago ang lalaking 'yon. Hindi ko siya reregaluhan kung may iba naman siyang binibigyan ng regalo. Although, nagpapadala naman siya ng gifts for me like watch and perfumes, pero deducted naman iyon sa company expenses. Binili ng general manager para sa empleyado niya.

Pero lalo ko lang napansin ang laki ng kaibahan ng size nila ni Jericho. Halos mag-fit dito sa isa yung damit samantalang XL na 'to. Ibig sabihin, sobrang slim ni Tyrone?

"Sabi mo, may boyfriend ka, di ba? Hindi mo pa rin ba hinihiwalayan?"

Sumulyap ako sa kanya. He was serious doing his sketch kaya nagkibit-balikat na lang ako saka ako sumandal sa pinakaupuan ng sofa na nasa likod ko lang.

"Dapat siya ang tinatanong mo niyan. Siya naman ang ayaw humiwalay."

"Di ka ba nahihirapan sa kanya?"

Natawa naman ako nang mahina. Halos lahat nga ng hirap ko sa buhay, hindi nawawala ang gagong 'yon.

"Siya yung pahirap sa buhay ko, actually. Lalo pang dumalas ang pambababae niya, nagmumukha na nga akong tanga kasi harap-harapang nakikita ng mga employee namin sa company ang mga kalandian niya sa office. Nag-iipon na nga lang ako ng mga stolen shot ng pakikipaghalikan niya kada daan ko."

"Wow." Siya naman ang tumawa nang mahina habang umiiling. "Akala ko, discreet lang ang panloloko sa 'yo. I'm shocked."

I rolled my eyes and hugged the throw pillow I took behind me. "I already told him to let me go. Para din naman sa kanya 'yon. Pero masyado siyang takot." Binalikan ko ang ginagawa ni Jericho at napataas ang kilay ko kasi mas magaling siyang gumawa ng dress kaysa sa 'kin. To think na vague lang ang instruction ko na gumawa siya ng puwedeng i-display sa wall ko.

"Siya, may side chicks. Ikaw, wala lang. Galit ka lang sa Earth?"

Pagsulyap ko sa kanya, nakangisi lang siya sa 'kin para mang-asar.

A Designer's CreationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon