27. The Narcissist

2.1K 124 44
                                    


I must say, aside kay Tyrone, si Jericho pa lang ang lalaking buong puso kong pinapasok sa design area ko. My team was already cutting fabrics when we entered the room. Di na ako nagtaka kung bakit natigilan silang lahat.

"This is Echo, people," I said while putting my breakfast on top of the cluttered working table. Nakapagtabas na sila ng mga tela so I guess, we were gonna sew these later to prepare for the prototype presentation.

"Hi, guys!" Jericho greeted in his jolly tone. "Ang active n'yo agad kahit ganitong oras pa lang?"

Tinabihan ko na siya at tiningnan ang buong team ko na may kanya-kanyang ginagawa.

"Naghahabol kami ng limang prototype designs today kaya dapat talagang maaga kaming kumilos," sabi ko. "Anyway, this is Azy, this Ameiry, that guy over there is Gelson . . ." Isa-isa ko silang ipinakilala kay Jericho.

"Gaano katagal ang usual process ng designing and production n'yo?" tanong niya habang para siyang bagong supervisor na tumitingin-tingin sa team kong may nakatokang trabaho sa bawat parte ng damit.

"Depende. Two to three days dapat if the designs are basic. Ang matagal ay mga gown na embedded ng jewels and stones. Tinatahi kasi namin ng kamay kung minsan kapag masyadong complicated gamitan ng glue."

Nahinto kaming dalawa sa round table sa bandang dulo malapit sa mga frabric. Dumampot siya ng isa sa mga sketch doon ng mga design na gagawin namin para mahabol sa delayed releases.

"Ito yung designs?" tanong niya habang iniisa-isa ang limang papel na hawak niya. "Sure ka, pahahanapin mo 'ko ng mali rito? Ikaw ba gumawa nito?"

"Wala akong choice."

Bigla siyang natawa nang mahina habang umiiling. "Ibebenta 'to sa market?"

"Yeah."

"Halatang conservative ang designs. Closed neck, sailor pants, coat." Naglipat pa siya ng isa. "Wow . . . ang angas." Ipinakita niya ang isang design ko na for casual wear. "Kapag inilabas 'to sa market, bibili ako agad." Tiningnan pa niya ang iba kong design at wala naman siyang sinabing negatibo.

Hindi ko alam kung ayaw lang akong pagsabihan ng masama sa harap ng team ko or what.

"Wala naman akong mapupunang masama. Gusto mo lang yatang magyabang na magaling ka hahaha!" Bigla niya 'kong binangga sa balikat saka inakbayan. "Nakikita kong organized kayo rito. Buti hindi ka nakasigaw sa kanila."

"Hindi kami sinisigawan ni Cinn," sagot ni Ameiry na kadaraan lang sa harap namin at may sampay-sampay na tape measure sa balikat.

"Oooh, mabait na boss. Pero ang sinisigawan naman ay yung general manager. Parang mas masarap maging ka-team mo kaysa maging girlfriend, 'no? Mas mabait ka."

Tinaasan ko agad siya ng kilay at nakarinig ako ng mahihinang tawanan sa paligid.

"Ha-ha. Funny." Umalis na 'ko sa pagkakaakbay sa kanya at dumampot ng nakakalat na tape measure sa mesa na nakapatong sa sinusukat na fabric. I even took a piece of paper and a pencil. "Tara, susukatan kita."

"Ha?" Napaatras agad siya habang ginagawang shield ang kamay mula sa 'kin. "Bakit?"

"Di pa rin nagbabago ang isip ko para gawing model ka sa La Mari."

"A, hindi tayo magkakasundo diyan, Cinnamon." He crossed his arms and shook his head.

Ginaya ko rin siya at nagtaas pa ako ng kilay. "What about this. I'll pay for your debts, mag-model ka for me."

Biglang nanlaki ang mga mata niya at nagtataka akong tiningnan.

"Ang laki n'on!" sagot niya agad. "Hindi ko mababayaran agad sa iyo 'yon."

A Designer's CreationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon