Umuwi akong nakainom. Sanay akong nagda-drive nang lango sa alak. May mga pagkakataon lang talagang kapag lumalampas ako sa tatlong bote ng rhum, bumabagsak talaga ako.
Pag-uwi ko, ni hindi na nga ako nakapagbihis kaya paggising ko sa umaga, kung ano ang suot ko kahapon, 'yon pa rin ang suot ko pagdilat. Naalimpungatan ako kasi ang ingay ng bedside table. Kinapa ko agad doon ang phone kong tumutunog. My head was throbbing and I wanted to vomit.
"Yes?" I answered the call.
"Di ka tumawag kagabi, okay ka lang?"
I didn't bother to check who was I talking to because I know it was Jericho.
"Okay lang."
"6:27 na. Papasok ka ba? Magpapasa ako ng initial plan sa boyfriend mo."
Latang-lata akong bumangon habang paisa-isang binubuksan ang mga butones ng damit ko.
"I'll try to go to work as early as 8."
"Sure? Tunog pagod ka, anong nangyari?"
"Wala."
"Wala ba talaga? Parang ganyan ang boses mo n'ong inuwi kita sa apartment, a? Uminom ka na naman ba kagabi?"
I deeply sighed and took my clothes off. Dumeretso agad ako sa shower kahit kausap ko pa siya sa phone. Inilapag ko sa metal stand ng mga lotion ang hawak ko saka ko ini-loud speaker.
"Maliligo na 'ko. Pero puwede mo naman akong kausapin."
"Oh . . . kay? Nag-aalmusal ako ngayon, sigurado akong di ka pa kumakain."
Dinig na dinig ang paglabas ng tubig mula sa shower kaya kailangan ko pang hinaan para lang marinig ko si Jericho.
"Okay lang, magpapabili na lang ako ng breakfast sa Sip and Drip."
"Dadalhan na lang kita. Baka imbestigahan na naman ako ng boyfriend mo e."
Kapag nababanggit niya talaga si Tyrone, hindi ko maiwasang mapabuga ng hininga. I wanted to get rid of him. I don't think that was a selfish act kasi kung matagal na kaming wala, nakahanap na sana siya ng ibang magpapasaya sa kanya. Binigyan ko pa siya ng pabor. Kahit anong pilit ko naman kasi sa lalaking 'yon, ayaw akong hiwalayan. Kung umpisa pa lang, sinabi na niya sa pamilya ko na hiwalay na kami, e di sana hindi kami nasi-stress sa isa't isa ngayon.
Mahirap bang gawin 'yon? Mambabae siya hangga't gusto niya. Kung gusto lang pala niyang gumanti, sana nilayuan na niya 'ko noon pa. Kaysa ganitong para kaming nakakulong sa hawla ng isa't isa.
"Pero sure kang okay ka lang ba talaga, Cinnamon?"
"Okay nga lang." Isa pa 'tong Jericho na 'to. "How was your talk with Gold yesterday?"
"We'll meet later sa manufacturer ng furniture. Friend din namin yung designer so parang short meetup na rin."
Speaking of Gold, parang gusto kong magtanong tungkol sa mga sinabi nito about him yesterday at sa asawa niya. Kaso feeling ko, mas male-late ako kung ngayon ko sisimulan. Sa dami ng tanong ko, baka matagalan kami sa pag-uusap.
Hindi niya ako binabaan ng tawag hanggang makabihis ako. He was asking me what do I want for breakfast, he was orienting me about some drastic changes regarding with my office's original redecorating plan. I spent my whole hour answering some questions na masakit sa ulo kasi masyadong technical gaya ng measurements and color codes.
I ended up wearing a full black coat made by myself, and a white long-sleeved blouse underneath paired with white fitted slacks. I wore my black leather boots with four inches heels again and let my hair flow.
BINABASA MO ANG
A Designer's Creation
Romance(Under editing) Hindi kahit kailan naging masaya ang buhay ni Cinnamon sa poder ng sarili niyang angkan. Bawat kibot, kuwentado. Bawat salita, sinusukat. Kailangang manatili sa tuktok at pedestal para lang makamit ang respetong hinihingi niya bilang...