Nineteen ako noong naka-graduate sa college. Fourth year pa lang, sa practicum, sanay na 'kong inaalipin. Buhay pa si Daddy n'on and I never complained about what I was experiencing sa mga designing team kung saan ako napupunta because Tita Dahlia would tell me right away na ginusto ko naman daw 'yon. Na kung nag-take ako ng accountancy o ng medical school, e di sana hindi ako inaalila.
I was tired dealing with my family's shit. Si Mama, hindi na physically healthy that time at naka-therapy na after her first mild stroke. Financially wala akong problema. Dad always monitored my life. And he was that man na hangga't hindi emergency o hangga't hindi ako nagmamakaawa, he would never give any money to me.
Sa akin, okay lang. Alam ni Daddy 'yon. Every time na magkikita kami kapag aayain niya 'ko sa isang lunch date na hindi ko dadaluhan hangga't hindi niya ako bina-blackmail, sinasabi ko 'yon.
"I'm okay, Dad. If ever kailangan ko ng pera, mangungutang ako sa 'yo, babayaran ko."
"You're still my daughter, honey. Pera lang 'yan."
"Ayoko nang naririnig sina Tita Dahlia na palaging nanunumbat tungkol diyan. Laging sinasabi na kung ganito ang kinuha kong course, na kung ganito sana ako ngayon, e di sana hindi ako naghihirap sa pera. Kaga-graduate ko lang, gusto ba nilang mayaman ako agad habang trainee pa lang?"
"Cinnamon, honey, don't speak like that to your aunt. Nakita lang kasi nila si mama mo na hindi nakapagtapos."
"Totoo naman, di ba? Saka bakit ba nila laging pinamumukha every time na dadaan ako sa hacienda ni Lola na sa lahat ng kabit mo, si Mama lang yung di graduate ng elementary? Graduate na 'ko ng college, Dad! Hindi ako si Mama para sabihin nila 'yon!"
I hated my Dad for choosing my mother. I hated him too much because all of his siblings always brought that up. Ang mga nanay ng mga kapatid ko, either they belong to a nice family, a single lady who could earn enough to buy a Chanel every month, some were successful professionals and ended up marrying another successful man after my dad.
Ang comparison sa akin, palaging "Kung kasingyaman lang ng mommy ni William 'yang nanay niyan, e di sana napakinabangan 'yan."
I grew up hearing those words na maliban sa kabit na nga ang mama ko, sa lahat ng kabit ni Daddy, siya lang ang walang narating. And Dad never defended her. I've never heard a single word from him saying he loved my mother and he didn't want to judge her like how his siblings judged my mom.
He never defended her side taking note that he was a great lawyer handling complicated cases. Hindi ko kahit kailan nakita na trinato niya si Mama na parang asawa o ni maging babaeng minsan niyang minahal. Parang ang naging siste, inanakan niya si Mama, nabuo ako, nakakuha na siya ng babaeng anak na gusto niya, tapos na ang responsibilidad ng nanay ko bilang palahian.
Kapag naaalala ko si Daddy sa ganoon, tapos sisingit ang buhay ni Lola Ning na ang tingin niya sa mga lalaki ay mga taong dapat lumuluhod at nagkandarapa sa kanya, nagkakaroon ako ng existential crisis. Inisip ko na lang na kasi Alpha Male si Daddy tapos Alpha Female si Lola. And if ever magiging ganoon ako, gaya ng pagrespeto sa kanila ng iba, lalo na kay Lola Ning, makukuha ko rin ang respeto na matagal ko nang hinihingi sa lahat.
Hindi bilang anak ng kabit ni Proserpino de Chavez III kundi bilang si Cinnamon de Chavez.
Naunang na-stroke si Mama pero naunang mawala si Daddy. Pareho naman silang cardiac arrest ang cause of death. Pero after mamatay ni Daddy, nagkagulo na kaming magkakapatid. At gaya ng inaasahan, lugi ako dahil ako lang ang hindi abogado at hindi CPA.
BINABASA MO ANG
A Designer's Creation
Romance(Under editing) Hindi kahit kailan naging masaya ang buhay ni Cinnamon sa poder ng sarili niyang angkan. Bawat kibot, kuwentado. Bawat salita, sinusukat. Kailangang manatili sa tuktok at pedestal para lang makamit ang respetong hinihingi niya bilang...