I never anticipated the morning breeze of October like this. Ah . . . I love how my Sunday sunrise was served with a bang.
"How dare you, Cinnamon de Chavez!"
Pinapagpag ko ang suot kong gray shirt pagtapak na pagtapak ko pababa ng kama. Seven in the freaking morning was the best time to hear Tyrone's shout over the phone. And my line is always open for his complains about me.
"Isipin mo na lang na binigyan ko kayo ng pabor ni Shiela," sagot ko sa pinakamasayang tinig ko sa araw na 'to. I peeked at my black boyleg's hem na nakatago sa XL size shirt kong pantulog.
"Baliw ka na talaga, Cinnamon!"
"Don't mention it." My kitchen counter was five meters away from my bed. I got a glass and poured a cold water from the dispenser. "For sure, si Tita Daisy ang tumawag. Ano'ng sinabi mo? Curious ako." Hinayaan kong gumuhit ang lamig sa lalamunan ko pagkatungga ko ng tubig. Inaabangan ko ang sagot mula sa kanya.
"Don't expect me to tell them the truth, Cinnamon. Sinasabi ko na sa 'yo, kayang-kaya kitang baligtarin."
"Ah! Really?" Padabog kong inilapag ang baso sa counter at tiningnan ang view ng Lion Fashion building mula sa bintana ng kusina ko. "So, you denied it kahit nakapagpakita ako ng proof ng kalaswaan n'yo ng babae mo? Okay." I nodded at his cowardly act. "That was so weak of you, Tyrone Chen. Magpakalalaki ka naman kahit minsan, ha? Nakakahiya ka."
Pinatay ko na ang tawag at tinanaw ang opisina ni Tyrone mula sa puwesto ko. 20th floor was too high if I would throw him out of the window, but enough to end our misery.
Wala siya sa office ng Sunday and Wednesday. Sayang at hindi niya ako mapapapunta sa bahay niya para lang panoorin siyang manggalaiti dahil sa ginawa ko. Pero nakapaduwag talaga niya, napakawalang kuwenta.
♦♦♦
After fixing myself, I went to Sip and Drip for a good breakfast. The café was surrounded by employees of the near call center company when I stepped my foot inside. Expected naman na dahil sikat talaga ang Sip and Drip since ang nearest competitor nila ay fifty meters away pa at kabilang avenue pa iyon. Sa sobrang dami ng commercial buildings sa palibot ng Sip and Drip, talagang mahihirapan ang competitors makahanap ng lugar para labanan ang café. Eight na nang mahainan ako ng pancake na nalulunod sa maple syrup at mabangong kape.
I remembered thinking of changing my career from fashion designer to barista. Hindi lang siguro ako natutukan ni Daddy kaya na-pursue ko pa ang designing. His expectations for me was lesser than my other siblings. Lumaki sila na nagro-root bilang abogado, doktor, at accountant. They said patapon ang buhay ko kaya ayos lang kahit kumuha ako ng mga patapong kurso.
Unexpectedly, luck was in my favor.
Mabilis kong inubos ang pancake at ang kape ko. Kailangan kong umalis sa café nang mas maaga. Sunday, sarado ang boutique ko. And for sure, pinag-iinitan na ng Lion ang clothing line ko dahil sa ginawa ko sa endorser nila.
That was three months ago pero pinalalaki lang nila nang sobra. Palibhasa, palaos na si Aliza kaya kailangan ng ingay. Masyadong malaki ang Lion Fashion at gagawa at gagawa ang management ng paraan para hindi matangay ang pangalan nila dahil sa kagagawan ko noong gabi ng ceremony.
♦♦♦
"Endorser ka ng Lion Fashion under my handling, di ba?"
Aliza just smirked at me and rolled her eyes like I said something annoying. "So?"
BINABASA MO ANG
A Designer's Creation
Romance(Under editing) Hindi kahit kailan naging masaya ang buhay ni Cinnamon sa poder ng sarili niyang angkan. Bawat kibot, kuwentado. Bawat salita, sinusukat. Kailangang manatili sa tuktok at pedestal para lang makamit ang respetong hinihingi niya bilang...