1. Saturday Morning

3.8K 209 19
                                    

"Morning."

My eyes widened after I heard a man's voice. Letse! Napabangon agad ako sa hinihigaan ko kahit kamumulat ko pa lang.

"Whoah." I closed my eyes again kasi amoy office ko ang loob—amoy kape at yosi. Nasaan ba 'ko?

I tried to check where the fuck am I kasi sigurado akong hindi ko bahay 'to. Ang dilim ng ilaw, parang ilaw sa closet ko. Nasaan ba ang orasan dito?

"Ano'ng oras na?" tanong ko agad kahit na namamalat ako. Tatayo na sana ako pero natigilan ako kasi gumuhit agad ang sakit mula sa noo ko. Biglang sumabog iyon sa buong ulo ko at gusto na lang masuka.

Napapaypay agad ako ng mukha. Madilim na nga, mainit pa.

"Alas-singko? Aga mong nagising."

The man's voice was low and manly. I adjusted my eyes while looking at him kahit na ang dim talaga ng ilaw.

Nakasimangot ako pagkaupo sa hinigaan ko. Paglapag ko ng palad sa kaliwa, inangat ko rin agad kasi may nahawakan akong kung anong bagay na maingay.

"Oh, my fucking hell."

Ang kalat! At sa kama pa?! Puro mga balat ng junk foods, candy, even the empty boxes of Marlboro, my gosh! Kadiri!

"Where the fuck am I?" I glared at the guy sitting on the floor. Hindi ba siya nadidiliman dito sa bahay niya, yung ilaw niya, nasa 10 watts lang yata!

Hindi ko alam kung anong nakakatawa sa tanong ko pero tinawanan niya ako nang mahina. Nang-iinsulto ba 'to? Nakit ako agad na siya pala ang nagyoyosi. Humipak siya roon at tinaasan ko ng kilay ang mabilis na pag-urong ng upos nang mas mahaba pa sa kuko ko.

"Hindi ka ba sasagot, ha?" tanong ko ulit.

"Sarado na yung bar. Bagsak ka. Dinala kita rito sa bahay ko."

"Oh fuck."

No, no, no!

Pagtingin ko sa ibaba, napansin ko agad na naka-T-shirt ako. Hindi ko damit 'to. What the fuck?

"Wala akong ginawa sa 'yo," sagot agad ng lalaki sa sahig kahit wala pa naman akong sinasabi.

Saglit siyang tumayo saka pumunta sa malapit na mesa. I was eyeing the mug he was holding at nagsalin siya roon ng mainit na tubig galing sa maliit na airpot. "Nasa terrace yung damit mo. Sinampay ko para matuyo."

Tiningnan ko siya nang masama. Alam kong wala siyang ginawa. May pakiramdam naman ako. Pero pinasuot niya 'ko ng damit na ayokong isuot!

Saka ang kalat! Sa kama, ang kalat. Sa sahig, ang daming basura. Sa kisame, ang daming nakasabit na kung ano-ano! Ano ba 'to? Junk shop ba 'to?

Lumapit siya sa 'kin pero uupo lang pala sa puwesto niya kanina. Doon lang sa puwesto niya ang parte ng sahig na malinis.

After scanning him, naalala ko na kung saan ko siya nakita. He's the bartender doon sa club. Last night, may sinasabi 'to e.

"I know we didn't fuck," I said right away. "I'm familiar with my anatomy."

Natawa lang siya nang mahina at saglit na umiling. "Hindi naman ako gumagalaw ng babae kapag walang bayad. Laging binabayaran ang serbisyo ko kung saan ako magaling."

"Oh—Hahaha!" I suppressed my laugh but I couldn't kaya natawa na lang ako sa sinabi niya. What the hell? I swear I could hear my laugh surrounded the whole room full of clutter.

I stared at him while grinning from ear to ear. Napailing na lang ako.

"Okay, that's hilarious," I said in my serious tone. "Nasaan ang mga damit ko?"

Using his fingers holding a half-done cigarette, he pointed out the window near the bed. I saw my uniform hanging outside.

"All right, thanks."

Pagtayo ko, parang lumilindol sa paligid. Kahit paano naman, nakakalakad pa rin ako nang maayos. Kaso ang sakit talaga ng ulo ko.

Nakasuot pa naman ako ng pantalon, white blouse ko lang ang pinalitan niya. Pag-amoy ko sa damit ko, nagusot lang ang magkabilang dulo ng labi ko kasi amoy fabric conditioner na. I was expecting na amoy rhum pero mukhang nilabhan niya.

"Pero may plano naman ako," sabi ng lalaki sa loob. Napalingon tuloy ako sa kanya. Nakatutok lang siya sa hawak na phone at parang may kausap—hindi naman chat box ang nasa screen noong nasilip ko. Hindi rin mukhang text message. Pero kung ano man 'yon na ginagawa niya, hindi ko na sinagad pa ang pang-uusisa. Wala rin naman akong pakialam.

Pagpasok ko sa loob, nagtanong din ako. "Planong ano?"

"To fuck you?" Nagkibit-balikat siya saka humithit na naman. "Pero na-realize ko na sayang naman ang ibabayad mo sana sa 'kin kung ibibigay ko nang libre."

I grinned sarcastically and shook my head again. "You're so full of yourself, man."

And since mukhang nakita naman niya ang katawan ko kagabi, tumalikod lang ako sa kanya at hinubad ang isinuot niyang T-shirt sa akin. Mula sa puwesto ko, eksaktong nahahagip siya ng malaking salamin na kaharap ko rin. Akala ko, maninilip, pero busy yata siya sa ginagawa niya sa phone.

Isa-isa kong isinara ang butones ng blouse ko.

"Making notes?" tanong ko paglingon ko sa kanya na umiinom na ng kape.

Imbes na sumagot, inalok na lang niya sa 'kin ang iniinom niya. "Gusto mo?"

Tinitigan ko nang maigi ang inaalok niyang mug. Napalunok ako kasi gusto ko talaga ng pampabawas ng sakit ng ulo. At masyadong mabango ang kape para tanggihan.

Kinuha ko agad ang mug at lumagok ng dalawa. "Oh," I moaned. "That's so good."

Ang sarap ng timpla niya. Parang ayoko na nang ibalik sa kanya ang mug.

The coffee helped me to jumpstart my system. At least, kahit paano, hindi na 'ko nasusuka.

"Gusto mong timplahan kita?" tanong niya pagbalik ko ng baso sa kanya.

Umiling na lang ako. Paglingon ko sa bintana, umaangat na ang kahel sa asul na langit—malapit nang sumikat ang araw. Saturday and I have no office today, but I'm sure, one of my aunt will call me to ask if tutuloy ba 'ko sa family gathering tonight.

"Saan ang sakayan dito?" tanong ko na lang.

Humigop muna siya ng kape at itinuro ng nguso ang bintana. "Paglabas mo, may terminal ng tricycle sa tapat. Pahatid ka sa highway. Doon ang sakayan."

All right. That was all I need to know.

I searched for my handbag and I found it beside the pillow where I slept. Tiningnan ko agad kung nandito ba ang phone ko para makatawag agad ako ng Uber.

"Hindi ako magnanakaw."

Napahinto ako sa pagkalkal sa bag at napatingin sa kanya.

"I'm not saying anything," kontra ko agad.

"But you're implying something."

"You don't look like someone who can converse in two languages."

"I can speak five."

Agad ang pag-angat ng magkabilang kilay ko. Really? Wala sa itsura. "That's unexpected. Anyway, thank you for your hospitality, Mr.—"

"Jericho."

"Jericho," I repeated. Tumango at at nagpagpag ng damit. "Clean your rathole. Para kang nakatira sa basurahan."

Imbes na seryosohin ako, natawa na naman siya nang mahina kahit na ininsulto ko siya sa sarili niyang pamamahay.

"Babalik ka ba?" tanong niya bago pa 'ko makalapit sa pinto. "Kung babalik ka rito, magsabi ka lang. Maglilinis ako."

That made me cringed, ew! As if namang may gustong bumalik dito sa bahay niyang mukhang trashbin!

"Kilabutan ka naman sa salita mo."

Pagbagsak ko ng pinto paglabas, dinig na dinig ko pa rin ang tawa niya mula sa loob. Baliw.

♥♥♥

A Designer's CreationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon