42. Deal with the New Devil

2.1K 141 13
                                    

Kahit ayokong aminin sa sarili ko noon—na siguro naman, kailangan ko nang aminin sa sarili ko ngayon—halos lahat ng ginagawa ko, parte ng desisyon ko si Tyrone. Lalo na sa trabaho, hindi puwedeng wala siya. Bawat kibot, bawat oras, bawat salita, laging nakadepende sa kanya at sa sasabihin niya. At kapag hindi ko sinabi para hindi niya malaman, bago ko pa planuhin kung paano sasabihin, alam na agad niya.

And like what my family said, perfect si Tyrone para mapangasawa ko. Sasabihin ni Tita Daisy, mabait siyang bata, pagpasensiyahan ko na lang. At kapag sinumbong ko ang pambababae niya, sasabihin lang ng sarili kong pamilya na ine-enjoy lang ni Tyrone ang buhay-binata niya. Overall impression, walang mali sa kanya aside from my occasional complains about his concubinage.

But personal impression, as a general manager, he knows what he's doing kaya hindi ako nagrereklamo sa management niya. Ayoko lang na nakikita siya ng mga empleyado ng Lion na harap-harapang nambababae sa opisina niya.

Pero mukhang hindi na mangyayari 'yon since wala na nga kami sa Lion at kung makabantay naman siya sa 'kin, para akong serial killer na kapag nalingat siya, uubusin ko ang lahat ng kapitbahay niya sa subdivision nila. Napakapraning.

"I still don't like your plan, Cinnamon."

"Pero wala ka namang choice kundi i-support ako," nangingiti kong sinabi habang sinusulyapan ang mukha niyang nakabusangot. Inaayos niya kasi ang peach blouse ko kahit na kung tutuusin, kaya ko nang isuot itong mag-isa. Wala lang, gusto ko lang na siya ang magsuot for me. "Kung nasa Lion tayo, iisipin kong main branch ang nag-uutos sa 'yo para gawin 'to."

"Shut up."

"Wala na tayo sa Lion. Wala ka ring ginagawa, jobless ka rin right now. So I guess, everything is out of freewill."

"Gusto mong magbago ang isip ko?" tanong niya habang inaayos ang ribbon ng damit ko.

"Kahit magbago ang isip mo, hindi magbabago ang isip ko." Nginitian ko agad siya para mang-asar. "Ang rupok mo pala, 'no?"

Bigla niya 'kong dinuro tapos bigla siyang tumalikod.

Pinigil ko na namang matawa kasi baka biglang bumuka ang sugat ko, pagdating namin sa doktor, biglang sabihing kritikal ako. Ayoko nga.

I looked at my attire. Sanay akong nagsusuot ng coat, slacks, and boots. And I dunno if Tyrone really knew how I want my clothes to be done. Hindi ako naka-coat kasi mabigat saka mainit. Alam niya yatang pagpapawisan ako—at kapag pinagpawisan ako, mahapdi sa sugat. I wore a plain peach long-sleeved chiffon blouse, enough to cover my body's wounds and comfortable isuot nang nakakadaloy ang hangin sa katawan ko. It was paired with white polyester pull-ons na sakto lang sa sukat ko. It was easy to wear kahit na halos sakto na rin sa shape ng katawan ko. He gave me a white ballerina shoes with a small white ribbon on it kasi ayaw nga niya ng magtatakong ako since kailangan niya 'kong alalayan.

Sobrang rare ng mga lalaking alam kung paano ka bibihisan nang hindi sila napagkakamalang bading. And yes, if I weren't Tyrone's fiancée, kahit ako, mag-a-apply ring kabit niya.

I touched my face. Nawala na ang black eye ko pero maga pa rin ang ibabang pisngi ko hanggang panga. Pagdating doon, balot na ng benda hanggang leeg. Noong isang araw in-adjust ang braces ko sa lower jaw kasi nagsasara na ang sugat ko. Niluwagan na rin nila nang kaunti para nakakapag-toothbrush at mouthwash na ako kahit paano. Sana hindi na galawin ngayon kasi nangingilo ako kapag malamig.

He went out of his closet wearing a beige-colored long-sleeved dress shirt and white trousers. He even wore his white patent satin bow Gucci loafers.

Pinipigilan kong ngumiti habang nakataas ang kilay nang sundan siya ng tingin. He stood beside me sa tapat ng salamin at nag-ayos ng buhok niyang hindi niya inabalang lagyan ng wax. He wasn't wearing his glasses so I'll assume na naka-contacts na naman siya.

A Designer's CreationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon