39. Unusual Morning

2.1K 112 32
                                    


Early in the morning—and not my usual morning na wala sa ospital—bungad na bungad agad sa 'kin si Tyrone na kalalabas lang ng bathroom.

My usual morning with Ty wasn't like this. Mostly, I would call him just to ruin his morning at marinig siyang sumisigaw. That was the definition of what the best morning should be like for me.

Never kong na-imagine na magigising ako at makikita ko siyang bagong ligo at towel lang ang suot. Last time kasing nasa condo ko siya, hindi niya binabalak maligo roon. Naghilamos lang siya then he went home bago ako pumunta sa boutique.

I was surrounded by hot bods of different male models around the world. Sa tagal kong nagbibihis ng mga lalaki, hindi ko rin mabilang kung ilang beses ko silang nakitang nakahubad. And since Ty is on a different level, hindi ko alam kung maa-amaze ba 'ko o matu-turn on—and I don't want to trigger my horny mode while I looked like a breathing eggplant. He just went out of the bathroom, walked beside the bed, and took his eyeglasses and phone while water was still dripping from his damp hair.

"Hindi ka nangalay sa puwesto mo?" tanong niya habang tutok sa phone.

"Nah," sagot ko habang nakatitig sa mukha niya. I like him better with his glasses on. Mas gusto kong nakikita yung ayos niya dati kasi . . . I dunno. That innocent Tyrone Chen before was way better than the grumpy Tyrone Chen now.

"Forest will take her breakfast here. Magbibihis lang ako." Then he put his phone back on the side table again and went to his walk-in closet.

I hated Tyrone for the past ten years of my life. Tipong kahit wala pa siyang ginagawa, nakaka-bad trip na siya. For what reason? Wala naman, gusto ko lang mainis sa kanya. Hindi kasi natatapos ang araw ko nang hindi kami nabubuwisit sa isa't isa. At kapag hindi kami nabuwisit sa isa't isa, gagawa at gagawa talaga kami ng paraan para lang mag-away without any valid and rational reason.

May mga araw na hindi kami nag-aaway. 'Yon din ang mga araw na parang hindi kompleto ang buhay ko kaya dinadaan ko na lang sa inom. I dunno. Ang satisfying kasi niyang asarin.

Not that I was interested to check his phone, but I was so curious about his messages. Gusto ko lang malaman kung ilan ba ang babae niya at baka lumampas sa tatlo. Sa sobrang busy niya, duda akong kaya niyang mag-handle ng higit pa sa dalawa. Automatic na ang count ko as his top chick of the decade.

Pasimple kong kinuha ang phone niya at binuksan. Tumaas lang ang kilay ko sa locked screen. It was a photo of Eiffel Tower. That kind of photo na template sa mga default wallpaper ng phone's theme. Ang boring naman niya. Wala bang picture ng mga kabit niya rito? Pati gallery, walang ibang laman. At wala siyang lock sa phone. Hindi ba siya takot manakawan? O baka may iba pa siyang phone.

Nag-check ako ng apps niya. May Telegram kaso puro naman Chinese ang kausap niya. Wala siyang Facebook! Wala ring Twitter! May Messenger app pero puro naman ignored, ni hindi man lang niya sini-seen! Yung sa iMessage niya, aside sa 'kin, kay Forest, puro na Chinese ang iba. Tao ba siya? At may IG siya, at last!

Pagsilip ko, puro naman damit ng Lion Fashion. Tapos 54 lang ang naka-post. Para naman siyang online seller nito, what the hell? May iba pa ba siyang phone?

Feeling ko, nasa laptop niya lahat e.

Tinantanan ko na yung phone niya kasi walang kuwenta talaga. Hindi ba nabo-bore sa kanya yung mga kabit niya? Ako, nabo-bore ako sa buhay niya.

Paglabas niya ng closet, naka-loose cream tee na naman siya saka cotton shorts. He combed his hair for a slick look but some strands rested on his forehead. Mas nababawasan ang intimidating and annoying aura niya kapag nakapambahay siya. Although, he looked so fine if he was on his suits and ties. Nevertheless, I still want to see him angry and hear him shout.

A Designer's CreationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon