03

2K 40 6
                                    

03

Sa sumunod na mga araw, hindi na ulit kami nagkita ni Tom. Palagi pa rin naman siyang nagte-text sa 'kin, pero iba talaga kapag katabi ko siya o kapag nag-uusap kami sa personal. Kahit miss na miss ko na siya, pinili ko na lang na manahimik.

"So, 'yun lang?" ani Betty nang sinabi ko sa kanya ang nangyari sa pagkikita namin ni Tom kahapon.

Bumuntong-hininga lamang ako at tumango.

"Tapos sa pisngi ka lang niya hinalikan?"

Mahina akong natawa. "Ano naman ngayon?"

"Hindi man lang sa lips?" She pouted.

Umiling ako. "Ikaw talaga..."

Sumimangot siya. "Tapos ayos lang talaga sa 'yo na ganun?"

Hindi ako sumagot at nag-iwas ng tingin.

"Okay, Yumi, gets ko naman na busy siya sa med school. Pero girlfriend ka pa rin niya. You're not supposed to just sit still and go to him whenever he calls you!"

"Ayoko ngang dumagdag sa mga problema niya-"

"Naku, problema ka na niya 'no! Malamang girlfriend ka niya, may responsibilidad siya sa 'yo."

I pursed my lips and played the hem of my blouse. Sa bagay, tama naman si Betty. Naisip ko na rin 'yan. May karapatan akong manghingi ng oras sa kanya kasi ako ang girlfriend. But I don't want to strangle him. Pangarap ni Tom ang maging doktor. Haharang pa ba ako?

"Diba malapit na ang birthday mo?" aniya. "Anong plano niyo?"

"Walang plano, Betty..."

"Ano?!" Suminghal siya at humalukipkip. "Wala siyang binanggit? Busy na naman siya?"

Kinuha ko ang cellphone at tiningnan ang schedule na sinend sa akin ni Tom. Malungkot akong nagbuntong-hininga nang makita na may quiz nga siya sa birthday ko.

"O baka may surprise siya sa 'yo," pag-eencourage niya.

"Malabo."

"Uso kaya 'yan ngayon!"

"May quiz siya." Ipinakita ko kay Betty iyong picture ng schedule sa cellphone ko at nakita ang simangot niya. Bumuntong-hininga lamang ako at ibinulsa iyon. "Look, let's just give him his time, okay? Third year of med school is not easy."

"So ayos lang sa 'yo hanggang apat o limang taon?"

Hindi ako sumagot.

"Paano kung hanggang pitong taon? Sampung taon?" Betty exhaled. "Kawawa ka naman."

I gave her a sad smile. Nag-iwas ako ng tingin lalo na at parang may sumuntok sa puso ko. Hindi ko na nga kaya ang ganito, paano na kaya sa mga susunod na taon?

I admit there has been changes. Noong una ay uhaw na uhaw ako sa oras niya, hanggang sa nakasanayan ko na. It doesn't excite me anymore. Hindi rin naman ako immature. Alam ko na ang relasyon ay hindi palaging matamis. Pero kapag sobra na sa pait, parang gusto mo na lang na bumitaw.

Tuluyan na rin akong nagdududa... I exhaled and pushed those thoughts away.

"I-surprise mo na lang kaya siya?" suggestion ni Betty. "Puntahan mo sa ospital. Dalhan mo ng cake kahit ikaw ang may birthday. For sure, ma-aappreciate 'yun ni Tom 'no!"

Pinigilan ko ang ngiti. "Talaga?"

She nodded. "Kung busy siya, edi ikaw ang mag-effort. Puntahan mo. Tapos sabay niyong i-celebrate ang birthday mo." Ngumiti si Betty. "Gusto mong tulungan kita?"

The Cheating GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon