06
Tom:
Nasa labas na ako :)
Matagal kong tinitigan ang text message na 'yun. May load naman ako pero ayaw kong mag-reply. Sadyang may nag-iba lang talaga sa 'kin kumpara nitong mga nakaraang araw.
Masyado kong inisip ang relasyon namin ni Tom. Kung may patutunguhan pa ba 'to o wala na kasi pagod na ako. Mahal ko pa rin naman siya... pero ayaw ko na ring maging tanga.
I took one last bite from my food before I stood up.
"Mauna na po ako," paalam ko sa hapagkainan kung saan sabay-sabay kaming nag-aalmusal.
"Hindi mo man lang ba tatapusin 'yan?" ani Papa.
"Nasa labas na po si Tom, eh."
Naramdaman ko ang titig ni Mama pero umiwas ako ng tingin. I knew that that stare was because of the conversation we had last night.
"Melay," aniya. "Ihanda mo 'yung mga pagkain para kay Tom."
Tumango ang kapatid ko at tumayo para gawin iyong utos ni Mama sa kanya.
"Hindi mo man lang ba papapasukin?"
Umiling ako kay Papa. "Busy po siya, baka nagmamadali."
Nagpunta ako sa kwarto at kinuha ang lahat ng gamit ko. Noon, excited ako sa tuwing sinusundo ako ni Tom. Ngayon, hindi ko na naiintindihan kung bakit sobrang bigat ng loob ko. Siguro masyado lang akong napikon.
Ngayon pa lang kami magkikita pagkatapos ng isang linggo. Nag-away pa kami last time. At hindi ko maipapangako na hindi kami mag-aaway ngayon. Mainit ang ulo ko sa kanya.
Alam ko na kaya kong i-give up 'to. Pero may kaunting pag-asa rin naman kasi akong naramdaman. Na baka natabunan lang ng tampo at pagod itong pagmamahal ko kay Tom.
"Mauna na po ako," paalam ko at kinuha iyong eco bag na puno ng lalagyan.
Tumango sila sa akin at lumabas na ako ng bahay. Kaagad kong namataan ang pamilyar na sasakyan na minsan ko na lang makita ngayon.
I could not forget that night when I saw him with a girl. Nagseselos ako, oo. Pero hindi ko lang talaga alam kung paano ko ito ipapaliwanag sa kanya.
Baka may masabi pa akong mali.
"Happy birthday," bati niya pagpasok ko sa shotgun seat.
"Belated happy birthday," I corrected.
Sumimangot si Tom pero hindi ko na iyon pinansin pa. Wala ako sa mood at alam ko na alam niya kung ano ang dahilan nun. Binigay ko sa kanya ang eco bag.
"Pinadala ni Mama," sabi ko.
"Thank you. Nandiyan ba sila sa loob?"
Tumango ako.
"Okay..."
Nagsimula na siyang magmaneho. Wala akong sinabi sa kanya. Nanatili ang mga mata ko sa labas ng bintana. Mabigat ang loob ko at hindi ko kayang tumingin sa kanya. I felt disgusted, too. Dito umupo iyong babae na nakita ko sa ospital.
Then I wondered... ilang babae na kaya ang naisakay niya rito?
That alone made me want to scream. Pinili ko na lang na manahimik at isandal ang ulo sa bintana kagaya ng palagi kong ginagawa.
I was sick of it. Ramdam ko rin na ganun din ang nararamdaman niya.
He sighed. "Yumi, magiging ganito na lang ba talaga tayo palagi?"
Napalunok ako at hindi nagsalita.
"Tangina naman," he whispered.
"Pwede ba na huwag kang magmura?"
BINABASA MO ANG
The Cheating Game
RomanceMayumi Salvejo knows her boyfriend is cheating. I mean, the signs are already there! The only problem is that she's afraid to confirm it. She's afraid to know what will happen. That's where Stephen Vattiera, the law student who likes to have fun en...