27
"Ayos lang ba talaga ang damit na 'to?" tanong ko kay Melay paglabas ng banyo.
Nasa kama siya at kumakain ng chips. Umikot pa ako para ipakita sa kanya ang kulay itim na halter dress na susuotin ko sa anniversary ng bangko.
"Ayos naman, eh."
"Hindi ba masyadong revealing?"
Umiling siya. "Sakto lang naman."
Bumagsak ang mga balikat ko at nagtungo na sa mesa kung saan nakalatag ang mga makeup ko. Hindi naman kasi ako mahilig maglagay kaya pinapunta ko ang kapatid ko para magpatulong.
"Magpunas ka muna ng kamay," paalala ko kasi kumakain pa rin siya ng chips.
"May wipes ka ba?"
"Heto," sabay bigay ko sa kanya ng wet wipes.
Matapos niyang punasan ang kamay ay lumapit na siya para ayusin muna ang buhok ko.
"Maganda ka naman, Ate."
"Hindi ako maganda."
"Ngumiti ka rin kasi," aniya.
"Nakakahiya ang bunny teeth ko."
Natawa siya. "Hindi naman. Attractive kaya."
Hindi na ako nagsalita nang maalala si Stephen tungkol doon. Bumuntong-hininga na lang ako at sinubukan siyang 'di isipin.
Pagkatapos ang 20 minutes ay natapos na kami. Sinunod ni Melay ang sinabi kong natural look. Kahit papaano, naging maayos naman ako tingnan.
Naka-high ponytail ang buhok ko kaya sobrang linis kong tingnan. Pula ang lipstick ko pero iyong ibang kulay sa mukha ay nude and brown. Simpleng-simple lang pero nagustuhan ko.
"Salamat," sabi ko.
"Ayaw mo ba ng picture?"
Umiling ako. "Hindi naman ako mahilig diyan."
"Ate naman. Kahit picture na lang pang-remembrance, eh."
"Sa susunod na."
Sumimangot siya at nagkibit-balikat na lang. "Sinong susundo sa 'yo?"
"Si Betty raw."
"Oh... Akala ko 'yung kaibigan mo."
Hindi ko pinansin ang huli niyang sinabi at naghanda na. Kahit ayaw ko talagang magpa-picture, kinulit ako nang kinulit ni Melay. Pati na rin sina Mama at Papa nang bumaba ako. Kaya naman pinagbigyan ko na lang din sila.
"Mauna na po ako," paalam ko nang nasa labas na si Betty.
The cold air swept into my bones. Panigurado na giginawin ako sa loob. For sure, maraming aircon dun kasi maraming bisita na inimbitahan.
"Ang ganda naman!" puna ng kaibigan ko nang pumasok sa shotgun seat ng sasakyan niya.
"Iba talaga ang epekto ng makeup. Ang ganda mo rin."
"Aba, siyempre! Dapat lang talaga na magpaganda para makabingwit ng potential boyfriend."
Mahina akong natawa.
Habang nasa biyahe, nag-usap kami tungkol sa annual party. Noong nakaraan naman kasi ay 'di masyadong pormal. Ngayon lang talaga 'to nangyari kasi marami daw investor na dadalo. Makikita rin namin 'yung mga taga-ibang branch.
The party was full packed. Panay propesyunal ito. Halos lahat ay naka-formal wear. Minsan lang kami ganito kaya nanibago ako nang makita pa 'yung ibang mga katrabaho.
Of course, they took pictures.
Hinigit din naman ako ni Betty kaya wala na akong magawa pa at sumama na lang.
![](https://img.wattpad.com/cover/283975589-288-k823585.jpg)
BINABASA MO ANG
The Cheating Game
RomansaMayumi Salvejo knows her boyfriend is cheating. I mean, the signs are already there! The only problem is that she's afraid to confirm it. She's afraid to know what will happen. That's where Stephen Vattiera, the law student who likes to have fun en...