23
Tahimik lang ang biyahe patungo sa Baguio. Umulan din kasi kaya medyo malamig at halos nakatulog ang lahat maliban sa 'kin at si Cooper na nagmamaneho. Hindi ako sure kay Stephen kasi tahimik lang siya. Ayaw ko namang lumingon sa likuran para tingnan.
Paunti-unti kong tinitingnan 'yung tumbler niya. I was nervous... I was shy...
Hindi ko tuloy alam kung paano ko ito ibabalik sa kanya. Ilalagay ko na lang sa bag niya pagdating namin.
Ala singko nang huminto kami sa isang convenience store. Hindi ko alam kung nasaan kami pero wala nang masyadong mga bahay. Tanging mga daan at puno lang ang nakikita ko. Huminto na rin ang ulan.
"Bili tayo ng snacks," ani Sophie.
This time, I made sure to buy a liter of water. Kumuha na rin ako ng isa pa para ibigay kay Stephen.
Balita ko ay dalawa hanggang tatlong oras pa bago kami makarating. Inubos ko pa naman ang tubig niya. He just stayed inside the van. Tulog siya nang iniwan namin.
"Dadagdagan ko pa ba ang chips?" tanong ni Sophie sa 'kin.
"Tama na siguro 'yan."
Tumango siya at lumapit kay Joshua na bumili ng instant coffee. Si Cooper ay may binili rin.
Saglit akong tumingin sa van. Hindi ba siya bibili? Nagugutom kaya siya? Sobrang tahimik niya sa biyahe. Nag-aalala tuloy ako kasi natural naman talaga siyang madaldal.
Bumuntong-hininga ako at pumili na rin ng mga matatamis na pagkain. Pinabalot ko ito sa ibang supot kasama nung isa pang tubig.
Nasa loob pa rin sila. Si Joshua naman at Cooper ay makikiihi rin kaya sinamantala ko na ang pagkakataong mauna sa van. Malakas ang pintig ng puso ko pero bahala na. Kahit hindi kami nagpapansinan, kaibigan ko pa rin naman siya.
Binuksan ko ito nang dahan-dahan. I thought he's sleeping. That's why I was shocked when Stephen was already sitting while facing his phone with a straight face.
Natigilan ako. Lalo na nang nag-angat siya ng tingin sa 'kin.
Those eyes... I missed those eyes...
"Heto," mahina kong sabi at inabot sa kanya ang supot na binili.
Tiningnan niya lang ito. Nakakahiya! Mukhang wala pa yata siyang planong tanggapin ito! Kaagad na nangalay ang aking braso.
"M-Mga snacks 'yan. May tubig din."
He blinked once. Twice.
"Para sa 'yo," dagdag ko pa.
Stephen slowly exhaled and took it from me. Ni hindi man lang siya nagpasalamat. Dinedma ko na lang at nagtungo na sa upuan. Lihim akong napabuntong-hininga.
Nakakahiya kung 'di niya 'yun tinanggap. Para na talaga akong tanga kung sakali. 'Tsaka alam ko naman na wala siyang planong pansinin ako. Kasalanan ko rin 'to. Pero ang hirap pala...
Ilang minuto pa ay dumating na ang ilan. This time, si Joshua naman ang magmamaneho. Pumasok si Cooper at napahinto saglit sabay tingin sa paper bag na nasa kandungan ni Stephen. Ngumisi siya bago umupo sa likuran. Si Sophie ay naupo na rin sa tabi ko.
The rest of the ride, we were silent.
Nagpatugtog si Joshua at minsan ay kumakanta si Sophie pero tahimik pa rin. Ako naman ay pinagmasdan ang tanawin sa labas ng bintana.
It was 7 p.m. when we arrived.
Sobrang lamig. Mabuti na lang talaga at nag-jacket ako. The whole resort was packed up. Mula sa parking lot ay rinig na rinig na namin ang tugtog. I can also smell the alcohol already.

BINABASA MO ANG
The Cheating Game
RomanceMayumi Salvejo knows her boyfriend is cheating. I mean, the signs are already there! The only problem is that she's afraid to confirm it. She's afraid to know what will happen. That's where Stephen Vattiera, the law student who likes to have fun en...