28
"Mayumi!"
Hindi ako lumingon. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Sobrang lamig pero hindi ko na iyon ininda pa. 'Di ko alam kung saan pupunta pero lakad lang ako nang lakad para makalayo.
"Mayumi!" muli niyang tawag.
I stomped my heels on the parking lot ground and faced him. Hinihingal si Stephen Vattiera na huminto sa tapat ko. Wala na ang coat niya at tangin puting dress shirt ang suot niya ngayon.
"Ano?! Ano na naman?!"
"Please, let's talk about it-"
"Wala na nga tayong kailangang pag-usapan pa, Stephen! Alam mo na 'yun, 'di ba?"
"I said we can try!" desperado niyang sigaw.
"We can't!"
"What the fuck... Mayumi, heto na ako o! Handa na ako para sa 'yo!"
"Sinabi mo ba 'yan kasi gusto mo o baka napilitan ka lang para hindi ako mawala?" puna ko.
Hindi siya sumagot. I felt my tears forming.
"Sumagot ka!" paos kong sigaw at tinuro siya.
Sinuklay niya pabalik ang kanyang buhok. His eyes went to mine and I saw how vulnerable it looked like.
"Mahal kita, Mayumi. Hindi pa ba sapat na dahilan 'yan?" aniya sa mas kalmadong boses.
Umiling ako. "Hindi namimilit ang pagmamahal, Stephen."
"We can try. I can be a better boyfriend that your asshole ex. I can be the best."
"He's not an asshole, Stephen. May kasalanan din naman ako sa kanya. I cheated!"
He sighed and looked down.
"Minahal kita kahit magkarelasyon kami. Hindi ako nagpakatotoo. Ikaw ang hinahanap ko imbis na siya. Mas masaya ako na ikaw ang kasama kaysa kay Tom. May kasalanan din ako-"
"Mahal mo naman pala ako, eh. Then be with me!"
Galit akong napahilamos sa mukha sa luhang walang tigil sa pagtulo. Para akong nanghihina. I was okay... I pretended to be okay without him...
"Ayoko, Stephen. Ayokong maglaro."
Lumapit siya sa 'kin. "Hindi naman tayo naglalaro, 'di ba?"
"Alam ko na hindi ka pa handa sa mga ganito. Masyado kang nasanay na isang tawag mo lang, bibigay na lahat. Baka na-challenge ka lang sa 'kin-"
"Shit, Mayumi! Hindi ako nacha-challenge sa 'yo."
Hindi ako nakinig at nagpatuloy. "Alam ko na napipilitan ka lang para manatili ako. Ayokong maging 2nd choice palagi. Alam ko na kapag magiging tayo, mawawalan ka rin ng oras sa 'kin dahil sa law school-"
"I told you about priorities, right?" he asked.
"But you shouldn't prioritize me! Sinabi mo naman sa 'kin na importante na maging abogado ka kasi papalitan mo ang papa mo sa law firm-"
"I can do that with you, Mayumi."
Lumapit siya sa 'kin at niyakap ako. Humagulhol siya lalo na at pilit kong kumawala sa kanya.
"Ayoko, Stephen... Ayoko," I sobbed.
Hinawakan ko ang mga balikat niya at pilit na tiningnan ang kanyang mga matang basa na sa luha.
"All this time, I keep on settling for less. I don't want that anymore," sabi ko. "Hindi ka pa handa. Uunahin mo ang law school. Magte-take ka ng bar."
BINABASA MO ANG
The Cheating Game
RomansaMayumi Salvejo knows her boyfriend is cheating. I mean, the signs are already there! The only problem is that she's afraid to confirm it. She's afraid to know what will happen. That's where Stephen Vattiera, the law student who likes to have fun en...