12
Malamig ang hanging sumalubong sa akin pagdating ko sa dalampasigan. Malayo ang mga poste ng ilaw kaya naman medyo madilim. Marami ding tao na nakatambay ngunit tahimik ang lahat.
Bumuntong-hininga ako at naghanap ng kahoy o bato na pwedeng mauupuan nang matanaw si Cooper.
Nakaupo siya sa isang mantel habang may iniinom na bote ng alak. Tumingin siya sa akin. Hindi ko alam ang gagawin kaya nanatili akong nakatingin sa kanya.
"Upo ka rito kung gusto mo ng katahimikan," aniya sabay senyas sa mantel na inuupuan.
Malaki kasi ito. Para tuloy siyang magpipicnic.
"Ayos lang ba?" I asked.
Tumango lang siya sabay lagok sa inumin.
I smiled and sat quietly. We sighed in unison as we stared at the waves. Dahil madilim ay nakakatakot itong tingnan.
Kagaya ng sinabi niya ay hindi nga ako nagsalita. Gusto ko rin ng tahimik kasi sobrang gulo ng isipan ko. My thoughts drowned me one by one. Si Tom. Si Stephen. Kung bakit palagi ko siyang tinatawagan. Kung bakit ako nandito.
I am confused. I am terrified.
"Gusto mo?" Cooper asked and handed me a newly opened bottle of beer.
"Salamat."
Kinuha ko 'yun sa kanya at diretsong uminom. Hindi ako mahilig sa alak pero umiinom ako minsan tuwing okasyon. I also thought that I needed a good drink.
"Mukhang problemado ka yata," aniya.
I chuckled. "Halata ba?"
Tumango siya.
Bumuntong-hininga ako. "Marami lang akong iniisip."
"Katulad ng?"
I licked my lips and stared at the big waves. "Kung anu-ano lang..."
Ngumisi siya. "Alam mo, hindi talaga ako naniniwala na kaibigan ka lang ni Stephen. He's not that type of guy."
Hindi ako sumagot. Bumaling ako sa kanya. Dati ay takot ako kay Cooper kasi hindi ito friendly at palasalita, ngunit ngayong gabi ay panatag ang loob ko sa kanya.
"Believe me. Even if he knows everyone, he's a super private person. Kaya naman hindi talaga ako kampante na magkaibigan lang kayong dalawa. You're either his fling or his relative."
Natawa ako. "Magkaibigan lang talaga kami, Cooper."
Umiling siya, hindi pa rin naniniwala.
"In fact, may boyfriend nga ako, eh," mahina ko pang dagdag.
I don't know but that tasted bitter. Tuluyan akong nailang na may boyfriend nga pala ako. Na nag-aaway kami at imbis na ayusin ko ay nagpunta ako rito para makalimutan muna 'yun sandali.
Mahinang natawa ang katabi ko na may halong gulat. Tumahimik kaming dalawa at inubos ang mga inumin.
"So you're cheating?" tanong ni Cooper.
Kumunot ang noo ko. "I'm not cheating."
"Talaga lang, huh."
"Hindi nga... Magkaibigan lang kami ni Stephen, 'yun lang at wala ng iba."
"Wala kang nararamdaman sa kanya?"
Umiling kaagad ako kahit nag-aalinlangan.
"Sure? Eh, halos lahat yata ng babae nagkakagusto sa kanya."
That's the problem. Lahat ay gusto siya. And if ever I really like him, I'm just one of the many. Iniisip ko pa lang 'yun pero naiinis na ako. Mood swing ko lang ba 'to?

BINABASA MO ANG
The Cheating Game
RomantikMayumi Salvejo knows her boyfriend is cheating. I mean, the signs are already there! The only problem is that she's afraid to confirm it. She's afraid to know what will happen. That's where Stephen Vattiera, the law student who likes to have fun en...