25
Bumalik ako sa suite at nagmukmok sa CR. Doon ako umiyak nang todo. Pinipigilan kong humagulhol para 'di magising sina Sophie.
Parang pinipiga ang puso ko. Inasahan ko naman na ang mangyayari pero 'di ko akalain na ganoon pala kasakit ito.
Nothing hurts more than an unjustified love.
Sanay akong nasusuklian ang pag-ibig na binibigay ko. I know it's already a lost cause. Pero umasa pa rin ako na baka ako na 'yung babaeng gusto niyang seryusuhin. I thought I can change his mind about commitment.
Pero iba nga yata talaga si Stephen Vattiera.
His perception of love is a love you shouldn't give back. Tama lang sa kanya na magbigay ng pag-ibig at ayaw niya nang masuklian ito.
I can accept that. But it will take time to get over it.
Paglabas ay wala pa rin siya. Sobra na akong inaantok kaya naman dumiretso na ako sa aking kama at humiga habang nakatakip ng kumot ang buong katawan ko.
* * *
I woke up without Stephen Vattiera.
Tulog pa ang tatlo pero wala pa rin siya. Hindi rin nagulo ang kama niya kaya baka 'di nga siya pumasok dito. Namamaga ang mga mata ko. Para tuloy akong bubuyog kaya nagtungo ako sa CR para manghilamos.
Gusto ko mang umalis, ayaw ko namang makasalubong si Stephen kaya nagtiis na lang ako rito sa loob ng suite.
"Good morning!" bungad ni Sophie na bagong-gising.
"Morning."
Bumangon na siya. Sobrang gulo ng buhok ni Sophie pero maayos pa rin naman siya tingnan. Umasim ang mukha niya. Pagkatapos ay tumakbo sa CR. Narinig ko na lang na sumusuka na siya sa loob.
"Masakit ba ang ulo mo?" tanong ko sa labas ng pinto ng CR.
"Super! Oh my gosh, the floor is still spinning."
"Bibili ba ako ng gamot sa baba?"
Hindi siya sumagot at binuksan ang banyo. Nakahilamos na siya ngunit namumutla pa rin.
"Let's go get some soup. I'm so hungry na rin."
Tatanggi na sana ako ngunit hinila na ni Sophie ang braso ko. Medyo nahihilo pa rin siya at pageywang-geywang ang lakad kaya sinamahan ko na lang. The two boys were still knocked out.
7:35 a.m. na rin naman. The whole place looked better in daylight.
Sobrang lawak ng lugar. Sobrang tahimik din. Tulog pa siguro ang lahat. May mga staff na naglilinis kahit saan. Puro kasi bote ng alak ang mga nakakalat sa paligid.
Nag-aalala ako kasi baka makasalubong namin si Stephen, pero 'di naman 'yun nangyari hanggang sa makarating kami sa restaurant.
"I'll have a soup or porridge or whatever it is that can make me feel better please," sabi ni Sophie sa waiter.
"Okay, po. Kayo, Ma'am?"
"Uh... bacon and egg?"
"Sige po."
Umalis na ang waiter. Sophie groaned while holding the temples of her head. Mahina akong natawa.
"Sa susunod, magbaon ka na ng hangover pills para 'di ka mahirapan paggising mo."
"I will. Tatandaan ko 'yan."
Her sleepy eyes widened when she looked at me. Nagkunot ako ng noo pero napasinghal siya.
BINABASA MO ANG
The Cheating Game
RomantikMayumi Salvejo knows her boyfriend is cheating. I mean, the signs are already there! The only problem is that she's afraid to confirm it. She's afraid to know what will happen. That's where Stephen Vattiera, the law student who likes to have fun en...
