07
Kabado ako nang pumasok sa coffee shop na sinabi ni Stephen. Nang sinabi niya kung nasaan siya ay kaagad kong sinabi na pupunta ako. I was hoping he'd say that I shouldn't go. Para na rin may kaunting natira naman sa dignidad ko. But no... he didn't even think twice to answer my question.
Kunot-noo kong pinagmasdan ang paligid at natanto na hindi naman pala ito coffee shop. It's more like a study hub. May mga nag-aaral kahit saan. Naa-out of place tuloy ako.
Hinanap ko si Stephen nang may nagwagayway ng kamay sa ere na nasa pinakadulo. There I found him wearing a hood and a white plain shirt underneath. Naka-maong pants din siya at may maraming gamit sa mesa.
"Dumating ka nga," aniya na natatawa. "Akala ko hindi ka na dadating."
"Well, nandito na ako. So..." I trailed off.
Ngumiti siya sa akin. His pale face looked tired but I saw his genuine eyes. May lahi yata siyang bampira o ano. Pero kahit na... For sure, even if he's pale as the clouds at the sky, the girls would still do their best to reach him.
Ganyan ang epekto niya. At kahit bagong dating pa lang ako ay napansin ko na ang mga pasulyap-sulyap ng mga babae rito sa silid. Ewan ko kung alam ba niya na may mga nagpapapansin o baka dinededma niya lang ito.
"Upo ka na, Miss Salvejo. Nga pala, anong gusto mong kainin?"
"No, thanks. Ayos lang ako."
Napadpad ang mga mata ko sa mga gamit na nasa mesa. May iPad na nakabukas at parang nagbabasa siya mula roon. May mga highlighter, mga lapis, at kung ano pa na mga pansulat. May mga folder din at sobrang dami na mga papel.
"Teka, busy ka ba?" tanong ko at tinuro iyong mesa.
"Hindi naman masyado."
Sinara niya ang iPad at inayos ang ilang mga papel na nagkalat.
"Teka... nag-aaral ka ba?" tanong ko.
"Oo."
Nanlaki ang mga mata ko at nahiya sa biglaang pagpunta!
"Sana pala sinabi mo sa 'kin para hindi na lang ako pumunta pa. Naka-istorbo tuloy ako."
"Kaya nga hindi ko sinabi, eh," aniya. "Gusto ko rin kasing pumunta ka."
Malalim at marahan ang mga titig niya sa akin kaya tumikhim ako. Alam ko na straightforward talaga si Stephen. Halata rin naman. Kaso nakakagulat lang talaga.
How can someone be so bold to tell what's going on inside his mind without hesitation?
"So, ano?" tanong niya at humalukipkip. "Anong pag-uusapan natin?"
"Sa susunod na lang. Mag-aral ka na muna."
Ngumisi siya. "So magkikita pa ulit tayo?"
I opened my mouth but no words came out. Saka ko lang natanto kung ano ang ibig niyang sabihin kaya pinaningkitan ko siya ng mga mata.
"Are you hitting on me?" dahan-dahan ngunit mahina kong tanong.
It was a wrong move. Lalo na at pinantayan niya ang mga titig ko. Hindi man lang niya tinago ang maliit na ngisi. Tumikhim ako at umiwas ng tingin.
"Relax, Mayumi," aniya. "We're just friends. May boyfriend ka. Unless..."
Nagtaas ako ng kilay. "Unless what?"
"Unless gusto mo ako."
Pumilit ako ng tawa. Humalakhak na rin si Stephen. Gusto ko kung paano siya pumipikit habang tumatawa. His lips would extend, showing his aligned teeth and his gums.

BINABASA MO ANG
The Cheating Game
RomansMayumi Salvejo knows her boyfriend is cheating. I mean, the signs are already there! The only problem is that she's afraid to confirm it. She's afraid to know what will happen. That's where Stephen Vattiera, the law student who likes to have fun en...