10

2.1K 40 1
                                        

10

"Saan ka ba pupunta, Ate?" tanong ni Melay nang makita niya akong nagmamadali habang nag-iimpake para sa isang gabing overnight.

Kailangan kong bilisan kasi ala syete iyong biyahe pero ala sais na. Last minute na nga ako sasama, eh, male-late pa ako. Hindi na nga ako nag-abalang magbihis. Nakakahiya iyon kay Stephen at sa iba niyang kasamahan.

To be honest, it's uncomfortable. Hindi ko kilala kung sino ang makakasama ko dun. Pero gusto ko talagang sumama. Maybe, I need a break. Tama si Stephen. Masyadong naka-routine ang buhay ko. It's finally time to go out of my comfort zone.

And I need a distraction. Masyadong ginugulo ni Tom ang utak ko.

Galit ako sa kanya.

"Lalayas ka na ba, Ate?"

Mahina akong natawa. "Hindi 'no. May biglaan lang na overnight. Ikaw na lang bahala kina Mama magpaliwanag, okay? Itetext ko rin sila mamaya."

Pagdating ko kasi sa bahay ay tanging ang kapatid ko lamang ang nasa loob ng bahay. Ayos lang din naman kina Mama kaso mas maganda sana na makapagpaalam ako sa kanila sa personal.

"Saan ka pupunta?"

"Tagaytay."

"Tagaytay?! Ang layo naman!"

I only chuckled and checked my bag if I missed something out. Kaagad akong lumabas sa kwarto at bumaba sa hagdanan. Nakasunod pa rin si Melay sa akin.

"Sino ang kasama mo?" she asked.

Napalunok ako. "Mga kaibigan ko."

Nanlaki ang mga mata niya. "May mga kaibigan ka? Sino? Sina Atty Betty? Diba, may trabaho kayo?"

I pursed my lips as I faced her. "Melay, maniwala ka man o hindi, may mga ibang kaibigan ako."

Halata pa rin sa mukha niya na mukhang hindi siya naniniwala o 'di kaya'y naguguluhan. Tumawa na lang ako at nagtungo na sa pintuan.

"Ikaw na bahala kina Mama, okay?"

She grumpily nodded her head and waved. Kumaway na rin ako.

Pumara ako ng taxi papunta sa lugar na sinasabi ni Stephen. Aniya, doon raw kami magkikita. Mainit ang ulo ko kasi traffic at 6:30 na. Sa gitna ng biyahe, nagsimula akong kabahan at magdalawang-isip kung tama ba itong desisyon ko.

Tomorrow is my day off. I can just lie down and sleep the whole day, but I chose to be with a person I don't even know that much.

Magkaibigan kami.

That's all that matters, right?

Besides, hindi rin nakatulong itong kinikimkim kong konsensya. Hindi man lang ako nagsabi kay Tom. Kahit gusto ko mang ipaalam sa kanya, hindi ko rin alam kung paano. Kaya nag-text na lang ako na may pupuntahan ako sa malayong lugar.

He didn't reply.

Pagdating sa highway na sinabi ni Stephen ay madilim na ang kalangitan. Nagsimula na ring umambon. Good thing I brought my hoodie. Pagkatapos kong magbayad ay lumingon ako sa paligid ngunit wala akong makitang ibang tao.

Am I too late?

Kinuha ko ang cellphone para tawagan si Stephen kaso napansin ko na may matangkad na naglalakad papunta sa akin. It was dark so I couldn't see him properly. Kagaya ko ay naka-hood rin kasi siya. Until he smiled at me.

At that moment, I almost cursed.

Nakasuot si Stephen ng itim na t-shirt sa loob ng itim niyang hoodie. Nakapantalon siya at itim na vans. Kung iisipin mo, napakasimple lang naman ng suot niya.

The Cheating GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon