13
Hindi matanggal-tanggal ang ngiti ko habang nasa harapan si Stephen na nakangiti rin sa akin.
Sobrang lakas ng pintig ng puso ko. Hinihingal ako sa kaba at sa sobrang saya. Pwede ba na maramdaman ko iyon nang sabay? Ah basta, hindi ko na alam. Ang alam ko lang ay isa ito sa mga gabi na hindi ko makakalimutan.
Tumawa ako dahil sa birong sayaw ni Stephen. Humagikhik na rin siya.
Maraming tao ang kasama namin sa sayawan ngunit para bang may sarili kaming mundo.
"Humataw ka naman," alok niya. "Ang unfair, ah."
"Hindi ako marunong sumayaw."
"Ano?"
Sobrang lakas ng tugtog kaya kinailangan ko pang lumapit sa kanya. It was a bad move. The moment I went closer to whisper it to his ear, I inhaled his manly perfume, making my heart beat twice than the usual.
"Sabi ko, hindi ako marunong sumayaw."
Kaagad akong lumayo at iniyuyugyog nang mahina ang mga balikat kasi 'yun lang ang tangi kong magawa.
"Ang hina mo naman."
Natawa ako. "Hindi nga kasi ako marunong."
He smiled and tapped the top of my head lightly.
"Pahinga na muna tayo. Pagod na ako."
I nodded. Doon ko namalayan na sobrang dami na pala ng tao. Pinagpapawisan na rin ako kahit malamig naman ang hangin.
I got terrified and overwhelmed of the crowd. Napansin 'yun ni Stephen kaya hinawakan niya nang marahan ang papulsuhan ko para hindi ako mawala. He pulled me in front of him and pushed my left shoulder with his other hand outside the crowd.
Kumuha kami ng mga inumin at nagtungo sa dalampasigan. Nakahinga ako nang maluwag nang humina na ang tugtog. Wala na rin masyadong tao.
Kumuha si Stephen ng mga kahoy para maupuan namin. He handed me one and I sat there immediately. 'Tsaka ko lang naramdaman ang pangangalay ng mga binti.
"Alas dose na pala," aniya nang tumingin sa kanyang relo. "Inaantok ka na ba?"
Umiling ako. "Pagod lang pero hindi pa naman. Bakit, ikaw ba? Inaantok ka na ba?"
"Hindi pa."
I chugged on the water bottle. Iyon ang nadampot ko kanina. Kay Stephen naman ay flavored beer.
Hindi ko na namalayan na nakatitig na pala ako sa kanyang mukha habang siya ay abala sa pagtingin sa nakakatakot na alon. Madilim at tanging ang poste ng ilaw na medyo may kalayuan lamang ang nagsilbing liwanag sa aming dalawa.
I scowled in disgust when I saw a couple past Stephen. Naghahalikan sila at para bang uhaw na uhaw sa isa't isa. Napansin din 'yun ni Stephen at natawa.
"Hindi ba sila nahihiya?" I whispered.
"Sa tingin mo ba nahihiya sila?"
"Hindi... Pero pwede naman sila sa cabin, bakit sa dalampasigan pa?"
"Para mas romantic."
Humalakhak ako at muntikan pang mabuga ang tubig na nainom sa kanya. Stephen chuckled in his low voice as he looked at me. Halata na pagod na rin siya.
"Ikaw, wala ka bang babaeng gustong makasama?" I asked. "'Yan ang pinunta mo rito, diba?"
"Pumunta ako rito para mag-unwind. 'Tsaka may kasama na akong babae."
Umiwas ako ng tingin. "Pero iba ako. Hindi mo ako pwedeng mai-date."
"Dahil ba may boyfriend ka?" agaran niyang sabi.
BINABASA MO ANG
The Cheating Game
RomanceMayumi Salvejo knows her boyfriend is cheating. I mean, the signs are already there! The only problem is that she's afraid to confirm it. She's afraid to know what will happen. That's where Stephen Vattiera, the law student who likes to have fun en...